• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cardinal Advincula, ikinagalak ang mainit na pagtanggap ng religious communities

Ikinagalak ng bagong talagang arsobispo ng Archdiocese of Manila ang mainit na pagtanggap ng religious communities.

 

 

Tiniyak ni Archbishop Jose Cardinal Advincula na bilang pastol ng arkidiyosesis sa mga relihiyoso at relihiyosa ang buong puso at tapat na paglilingkod sa pagpapalago ng bokasyon at pagpapastol sa kawan ng Panginoon.

 

 

“My role is to help and lead you in fulfilling your vocation and ministry. As your shepherd, Christ has called me to “feed” you and “to lead you to the richest pastures,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

 

 

Naramdaman ni Cardinal Advincula ang mainit na pagtanggap ng iba’t ibang religious communities’ ng arkidiyosesis na dumalo sa isinagawang ‘Solemn Vespers’ noong Hunyo 26 ng hapon sa Manila Cathedral.

 

 

Kinilala rin ng arsobispo ang mahalagang papel na ginagampanan ng religious men and women sa pagpapalaganap ng turo ng simbahan sa bawat komunidad katuwang ang mga diocesan priests’ ng arkidiyosesis.

 

 

“All of us are heralds or living instruments of God’s mercy to one another. Such is our saving mission which Christ has entrusted to the Church,” ani ng Cardinal.

 

Una nang sinabi ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales na ang mga relihiyoso at relihiyosa na narito sa Maynila ay katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng kabutihan, kabanalan at pagmamahal.

 

 

Binigyang diin ni Cardinal Advincula ang kahalagahan ng pananalangin at kahandaang makinig upang higit na magampanan ang misyon ng simbahan sa bawat mananampalataya.

 

 

“We need to pray, to unite ourselves in prayer; because in PRAYER we are being disposed to listen attentively to Christ our chief shepherd as well as listen generously to one another as members of Christ’s flock,” giit ni Cardinal Advincula.

 

 

Batay sa tala ng Roman Catholic Archdiocese of Manila may 809 na religious women habang 112 naman ang religious men.

 

 

Katuwang naman ni Cardinal Advincula sa priestly mission sa arkidiyosesis ang 245 diocesan clergy at 373 religious’ clergy

 

 

Nauna nang tiniyak ng religious communities sa bagong arsobispo ng Maynila ang pakikipagtulungan at pakikiisa sa misyon ng simbahang katolika lalo’t ipinagdiriwang ngayng taon ang 500 Years of Christianity sa paksang ‘Gifted to Give.”

Other News
  • P6M HALAGA NG KARGAMENTO TINANGAY NG DRIVER AT HELPER

    TINANGAY ng driver at ng kanyang helper ang higit sa P 6 milyong halaga ng kanilang kargamento na dapat ay idineliver nila sa isang negosyanteng buyer sa Malabon city.     Natuklasan ni Johnson Tan, 24, negosyante at residente ng 920 Asuncion St., Tondo, Manila na hindi pala dumating sa kanyang buyer na si Kevyn […]

  • FB NG ISANG PARI, GINAGAMIT

    NAGBABALA ang Boac Marinduque Diocese sa publiko  laban sa Facebook page na gumagamit ng pangalan ng isa nilang pari para magsolicit ng pera sa mga tao.   Ayon kay Fr.Wilfredo Magcamit Jr.,chancellor ng Boac Diocese na nanghihingi ng tulong pinansyal  ang naturang socioal media page na gamit ang pangalan ni Fr. Ramon Magdurulang.   Base […]

  • 5M plastic cards, inaasahang maipapasakamay sa DOTR bago matapos ang 2023

    INAASAHANG maipapasakamay sa Land Transportation Office ang hanggang limang milyong plastic cards para sa driver’s license ng mga motorista, bago matapos ang kasalukuyang taon.     Ayon kay Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza II, inaasahan ang delivery ng mga nasabing plastic cards, sa pamamagitan ng 500,000 cards o higit pa, bawat buwan.     […]