• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FB NG ISANG PARI, GINAGAMIT

NAGBABALA ang Boac Marinduque Diocese sa publiko  laban sa Facebook page na gumagamit ng pangalan ng isa nilang pari para magsolicit ng pera sa mga tao.

 

Ayon kay Fr.Wilfredo Magcamit Jr.,chancellor ng Boac Diocese na nanghihingi ng tulong pinansyal  ang naturang socioal media page na gamit ang pangalan ni Fr. Ramon Magdurulang.

 

Base sa umano sa post, gagamitin ang malilikom na pera sa umanoy pag-oordina sa isang Rev.James Calma ng Rogationist of the Child Jesus sa Disyembre 10,2020 kung saan pinapahulog sa Gcash at Palawan sa numerong 09155259175.

 

Ayon sa  Diocese, nang iberipika ,nalaman  nakarehistro ang cellphone number sa isang John Blake N na halos kapareho  sa John Balle Navarro  na gumamit din ng pangalan ni Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr,noong 2017 na humingi naman ng tulong mula sa VSM realty Corporation sa General santos City.

 

Nanawagan ang Diocese na huwag pansinin ang anumang mensahe o friend request ng nasabing facebook account at nagpaalala rin sa publiko na mag-ingat  sa pakikipag-usap sa social media gayundin iberipika kapag may kahina-hinalang fund raising activities ang isang indibidwal. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Ads September 15, 2021

  • Deadline ng SIM registration, sa Abril 26

    NILINAW kahapon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng National Telecommunications Commission (NTC) na ang deadline ng SIM registration, na Abril 26, 2023, ay alinsunod sa itinatakda ng batas.   Matatandaang ang mandatory SIM registration ay nagsimula noong Disyembre 27, 2022 at magtatagal lamang ng 180 araw o hanggang Abril 26, 2023. […]

  • POGO worker, minaltrato, kinidnap at idinitene

    MAY sampung araw nang nakadetine sa loob ng isang bahay ang isang POGO worker na kinidnap matapos na hindi makapagbayad ng P240,000 nang magpaalam na magre-resign sa pinagtatrabahuhan online gambling at uuwi na sa China sa Las Pinas.   Nabatid kay NBI OIC Director Eric Distor , inabutan ng mga ahente ng NBI, ang biktima […]