• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 timbog sa pot-session sa Valenzuela

LIMANG hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang bebot ang arestado matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head PLT Joel Madregalejo ang mga naaresto na sina Mary Jane Montemayor, 35, Sharijune Santos, 32, John Paul Arzadon, 23, Rodolfo Espocie, 46, at Joey Sta Ana, 42.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chef Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ng validation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PSSg Alvin Olpindo hinggil sa napaulat na pot session sa No. 312 Dulong Tangke St., Brgy. Malinta.

 

 

Dito, naaktuhan ng mga operatiba ang mga suspek na sumisinghot umano ng shabu na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito.

 

 

Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P20,400, ilang drug paraphernalias, P320 cash at 3 cellphones.

 

 

Kasong paglabag sa Section 11, 12, at 15 under Article II of R.A 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • PBA pa rin ang ‘most secure’ na opsyon para sa mga players – chairman

    Naniniwala si PBA chairman Ricky Vargas na hindi banta sa liga ang interes ng mga koponan mula sa ibang mga bansa sa mga Pinoy players.   Ayon kay Vargas, kumpiyansa itong babalik para maglaro sa PBA sa hinaharap ang mga dekalibreng Pinoy players na pinili munang maglaro sa ibang bansa.   Maliban kay Ravena, interesado […]

  • Saso trangka pa sa LPGA Tour of Japan

    PUMUWESTO lang sa 11 magkakatabla sa ika-29 na puwesto  si Yuka Saso sa 20th Golf 5 Ladies Pro Golf Tournament 2020 sa Gifu Prefecture Honshu nitong Linggo.     Pero hindi lang iyon upang mamantine niya ang liderato sa Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour of Japan ranking dahil nagrasyahan pa rin ang 19-year-old Fil-Japanese […]

  • Nagbabalik ang sikat na girl group: BINI, ipinagdiriwang ang pagbabago sa newest single kasama ang Puregold

    NAGBABALIK ang nation’s girl group na BINI, kilala sa kanilang mga nangungunang kanta, at inihahandog ang isang bagong single na nilikha kasama ang Puregold.       Sa isang kakaibang lapit sa kantang “Nasa Atin ang Panalo,” ipinasok ng BINI ang temang “Ang Kwento ng Pagbabago.”       “When we decided to feature and […]