PBA pa rin ang ‘most secure’ na opsyon para sa mga players – chairman
- Published on July 2, 2020
- by @peoplesbalita
Naniniwala si PBA chairman Ricky Vargas na hindi banta sa liga ang interes ng mga koponan mula sa ibang mga bansa sa mga Pinoy players.
Ayon kay Vargas, kumpiyansa itong babalik para maglaro sa PBA sa hinaharap ang mga dekalibreng Pinoy players na pinili munang maglaro sa ibang bansa.
Maliban kay Ravena, interesado rin umano ang isang Japanese ballclub sa sinuspindeng si Calvin Abueva ng Phoenix, maging si Terrence Romeo ng San Miguel.
Sa kabila nito, tiwala si Vargas na ang PBA pa rin ang pinakamagandang destinasyon para sa mga basketbolistang Pilipino.
“They will have to rethink if they join that conference (season) or two or join the PBA which is more secure with what they are doing and closer to home,” ani Vargas.
Muli ring binanggit ng TNT KaTropa governor ang umiiral na regulasyon sa PBA kung saan maaaring ma-ban ang player na eligible nang maging pro kung mabigo itong mag-apply para sa draft sa dalawang sunod na taon.
Pero inihayag nito na posibleng ibang kaso ang kay Ravena dahil sa kinausap na nito si PBA commissioner Willie Marcial tungkol sa kanyang plano.
“Si Thirdy naman didn’t apply for the draft but he informed the commissioner that he was looking at playing in Japan,” sambit ni Vargas.
“As of this time, the rule hasn’t changed,” dagdag nito
Reaksyon ito ni Vargas kasunod pa rin sa pagkuha ng koponan sa Japanese B.League na San-en NeoPhoenix kay dating Ateneo standout Thirdy Ravena.
-
Fanmade Poster for ‘James Bond XXVI’ Makes A Strong Case For Top 007 Shortlist Contender
IN an impressive new fanmade poster for James Bond 26, Aaron Taylor-Johnson becomes 007. After his first James Bond movie (Casino Royale) back in 2006, Daniel Craig said farewell to Bond with 2021’s No Time To Die. Since the actor’s swan song, the question of who will be the next actor to take […]
-
Okay na after ma-diagnose na may ‘Ramsay Hunt Syndrome’: JUSTIN BIEBER, magbabalik na sa kanyang naudlot na ‘Justice Tour’
NAGING dream pala noon ng aktres na si Ina Feleo ang mag-compete sa Olympics sa sport na figure ice skating. Bago naging artista si Ina, nag-train siya bilang isang figure ice skater sa edad na 9. “Nag-start ako nine years old, ‘yung pinsan ko galing Cebu may competition sila […]
-
OVP, tutulong sa DepEd sa paghahanda para sa pasukan
NAKIPAGTULUNGAN ang Office of the Vice President (OVP) sa Department of Education para sa isang linggong nationwide school maintenance program para paghandaan ang opisyal na pagsisimula ng klase sa August 29 ng kasalukuyang taon. Ang mga naturang ahensya na parehong pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte, ay nagtulungan para sa Brigada Eskwela 2023, […]