Serena Williams hindi na maglalaro sa Tokyo Olympics
- Published on June 30, 2021
- by @peoplesbalita
Nagdesisyon si Serena Williams na hindi ito maglalaro sa Tokyo Olympics.
Hindi naman na idinetalye o binanggit ang dahilan ng kaniyang pag-atras sa nasabing torneo.
Ang 39-anyos na American tennis star ay nagwagi ng gold medal sa singles titles noong London Olympics sa 2012 at tatlong gold medals sa doubles kasama ang kapatid na si Venus noong 2000 Sydney Olympics, 2008 Beijing Olympics at London.
Nauna rito ilang mga sikat na tennis players na rin ang umatras sa pagsabak sa Tokyo Olympics gaya nina Rafael Nadal at Dominic Thiem.
-
Pope Francis, 2-araw nang may sakit
KINANSELA ni Pope Francis ang lakad niya noong Pebrero 28 dahil sa masama umano ang kanyang pakiramdam. Ayon sa The Vatican, may ubo at sipon ang 83-anyos na Santo Papa. Noong Huwebes, Pebrero 27 ay hindi rin natuloy ang kanyang misa kasama ang mga pari sa Roma. Ang pagkakasakit ni Pope Francis […]
-
Higit 300 Bulakenyong mangingisda at kooperatibang pangsaka, tumanggap ng ayuda mula sa DA, BFAR
LUNGSOD NG MALOLOS – May kabuuang 300 Bulakenyong mangingisda at 85 Farmers Cooperatives and Associations (FCAs) ang tumanggap ng ayuda mula sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa ginanap na “Distribution of Agricultural and Fisheries Interventions to Farmers and Fisherfolks” sa Bulacan […]
-
NAVOTAS SCHOLARS TUMANGGAP NG ALLOWANCE
TUMANGGAP ang academic scholars ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng kanilang allowance para sa March hanggang June 2021. Nasa 62 beneficiaries ng NavotaAs Academic Scholarship ang nakatanggap ng P4,000-P20,800 educational assistance. 55 dito ang high school students, dalawa ang college, at lima ang teachers. “Metro Manila will be under Enhanced Community […]