• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Prayoridad na protektahan ang kalusugan ng mga mamamayan sa gitna ng pandemya

TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na prayoridad ng pamahalaan na protektahan ang kalusugan ng mga mamamayan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Tugon ito ng Malakanyang sa Bloomberg Resilience findings kung saan ang bansa ay nasa ranking na “second to worst” sa pagtugon sa pandemya.

 

Sa ulat, ang Pilipinas ay nasa rank na 52 noong Hunyo sa Bloomberg COVID Resilience Ranking ng 53 largest economies.

 

Ang Pilipinas ay may score na 45.3 o “only ahead of Argentina” na may score na 37.

 

“Ulitin lang po natin, ang ating choice ngayon ay hindi between health and the economy. It is about total health,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“Ang ating mga polisiya ngayon ay talagang ini-ensure na hindi lang mapapababa ang numero ng COVID kung hindi maiiwasan din po ang pagkagutom sa hanay ng ating kababayan,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya pa, sa kalaunan naman ay makababawi ang ekonomiya mula sa pagkakalugmok dahil sa restriksyon sa mobility at operations na ipinatupad upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

 

“Hindi natin makakailala na malaki ang naging epekto ng pandemiya sa ating ekonomiya. Pero ang ating economic team naman ay kampante na tayo po ay unti-unti nang bumabangon at tuluyang makakabangon,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Fernandez humirit sa DBM

    NAKIUSAP ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Department of Budget and Management (DBM) para makuha sa lalong madaling panahon ang P397M pondo na gugugulin sa trainings at competitions ng mga atleta para sa ngayong taon.     Ipinahayag Biyernes ni PSC Commissioner Ramond Fernandez, na sumasakop ang halaga para sa 31st Southeast Asian Games 2021 […]

  • Designated area itakda: Hithit ng vape sa pampublikong lugar, bawal na

    PINAGBABAWAL na rin ngayon ang paggawa, pagbebenta at pag-advertise ng mga hindi rehistradong electronic cigarettes o vape at iba pang mga naglalabasang bagong uri ng tobacco products.   Ipinalabas ng Palasyo ang Executive Order 106 na naglalayong amiyendahan ang nauna ng Executive Order 26 na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.   Nakasaad sa […]

  • Manila Muslim Cemetry, nilagdaan na ni Isko

    PUMIRMA ng ordinasa si Manila Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso para sa pagpapatayo ng isang sementeryo para sa mga namatay na Muslim na residente ng Maynila sa Manila South Cemetary.   Sa ilalim ng Ordinasa No. 8608, tinawag nitong Manila Muslim Cemetary na may inilaan na P49,300,000 para sa pagpapaayos ng isang bagong […]