410,000 nawalang trabaho sa bansa nabawi nitong Mayo sa gitna ng pandemya
- Published on July 3, 2021
- by @peoplesbalita
Dumami ang bahagdan ng populasyon na nabawi ang nawala nilang trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic nitong Mayo, ayon sa pinakabagong ulat ng Philippine Statistics Authority.
Nasa 3.73 milyong katao kasi ang naitalang walang trabaho o negosyo nitong Mayo 2021, bagay na mas mababa sa 4.14 milyon noong Abril.
“Ang unemployment rate ay naitala sa 7.7 percent nitong Mayo 2021. Ito ay mas mababa kumpara sa naitala noong Abril 2021 na 8.7 percent,” ayon sa pahayag ng PSA ngayong Huwebes.
Gayunpaman, mas marami pa rin ang walang trabaho ngayon kumpara sa 3.44 milyon na jobless noong Marso.
Ilang mahahalagang numero:
- employed o may trabaho/negosyo (44.72 milyon)
- employment rate (92.3%)
- underemployed o hindi sapat ang trabaho batay sa kakayahan (5.49 milyon)
- underemployment rate (12.3%)
- nasa “labor force” o na pinagsamang employed at unemployed (48.45 milyon)
- bahagi ng labor force na nagtratrabaho ngayon (64.6%)
Mas mataas ngayon ang porsyento ng mga lalaking nasa labor force na may trabaho o negosyo (76.1%), kumpara sa mga babae (52.9%).
“Nitong Mayo 2021, 7.7 percent ng mga kalalakihan na nasa labor force ang walang trabaho o negosyo. Ito’y bahagya lamang mataas sa unemployment rate ng mga kababaihan na nasa 7.6 percent,” patuloy ng PSA.
COVID-19, oras ng trabaho dahilan kaya ‘di makapagtrabaho
Bagama’t employed ang mas marami sa ngayon, may ilang dahilan pa rin kung bakit hindi sila makapagtrabaho o negosyo ngayon. Pangunahin diyan ang:
- paiba-ibang oras ng trabaho/nature ng trabaho
- ECQ/lockdown/COVID-19 pandemic
- dahilang medikal o pangkalusugan
- iba pang dahilan
- personal o dahilang pampamilya
Nakuha ng PSA ang mga nasabing datos matapos ma-survey ang nasa 34,034 katao 15-anyos pataas sa 11,033 kabahayan nitong Mayo.
Matatandaang marami ang nawalang trabaho at nagsarang establisyamento simula nang manalasa ang COVID-19 sa Pilipinas, dahilan para umabot sa 15-year record high ang unemployment nitong 2020 sa 10.3% na katumbas ng 4.5 milyong Pilipino.
Ayuda sa gitna ng unemployment
Dahil dito, ipinapanawagan sa ngayon ng Kilusang Mayo Uno at iba pang progresibong grupo ang P10,000 ayuda para sa manggagawang Pilipino upang makaagapay sa malaking bilang ng walang trabaho sa ngayon. Wala pa namang panibagong ayudang ibinibigay ang gobyerno sa ngayon.
Martes lang nang sabihin ni House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na “tinutulugan” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan 3, na magagamit daw sana para makapagdala ng kinakailangang ayuda para sa mahihirap sa ngayon.
“As earlier exposed by Anakpawis partylist, the Duterte administration is spending USD$2.43 billion or P118 billion arms deal with the US, yet, it continues to turn a deaf ear on the funding needs for the Bayanihan 3,” ani Zarate.
“If this P118 billion is instead used to fund the Bayanihan 3, then more Filipinos would benefit from it. This amount is already around 30% of the ayuda packages of Bayanihan 3 and would even go a long way in boosting our economy.”
Ayon sa militanteng mambabatas, kung matalinong gagamitin ang P118 bilyon, kakayanin nang pondohan ang lagpas kalahati ng P216 bilyong kailangan para mabigyan ng P2,000 ayuda ang bawat Pilipino (kahit na anuman ang social status). Kakayanin na rin daw agad maibigay ang P1,000 unang tranche ng cash aid na ito sa lahat ng mga Pinoy.
-
10,000 slots para sa educational subsidy program, bubuksan ng GSIS
NASA 10,000 slots ang bubuksan ng state-run Government Service Insurance System (GSIS) para sa Educational Subsidy Program para sa academic year 2022-2023. Sa ilalim ng programang ito, nasa 10,000 college students ang magagarantiyahan ng P10,000 mula sa GSIS kada taon hanggang sa matapos ang kanilang napiling kurso. Bahagi ng corporate social […]
-
Bukod pa sa pagtatambalan nila ni Aga: JULIA, ‘di big deal kung second choice sa movie nila ni ALDEN
IPINAHAYAG ng Viva Films na tinanggap na ni Julia Barretto ang bago niyang project, ang “A Special Memory,” na pagtatambalan nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards. Ito iyong movie na dapat ay pagtatambalan nina Alden at Bea Alonzo, pero nag-beg-off si Bea dahil sa busy schedule nito. Maraming humanga kay Julia dahil […]
-
Naging maayos ang lahat nang makilala si Mikee: PAUL, inaming na-trauma na makipagrelasyon dahil sa ex-gf na si BARBIE
WALA na raw sama ng loob si Paul Salas sa ex-girlfriend na si Barbie Imperial. Kahit na maraming sinabing hindi maganda si Barbie na puwedeng ikasira ng pagkatao ng Kapuso hunk, itinanggi niya ang mga paratang nito sa kanya at pinatawad niya ito. “Aminin ko po, ngayon lang po […]