• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod pa sa pagtatambalan nila ni Aga: JULIA, ‘di big deal kung second choice sa movie nila ni ALDEN

IPINAHAYAG ng Viva Films na tinanggap na ni Julia Barretto ang bago niyang project, ang “A Special Memory,” na pagtatambalan nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards. 

 

 

Ito iyong movie na dapat ay pagtatambalan nina Alden at Bea Alonzo, pero nag-beg-off si Bea dahil sa busy schedule nito. Maraming humanga kay Julia dahil hindi big deal sa kanya kung second choice lamang siya.

 

 

May isa pa kasing gagawing movie si Julia sa Viva na ang makakatambal naman niya ay si Aga Muhlach, titled “Forgetting.”

 

 

Ito muna ang uunahing gawin ni Julia habang hinihintay niya ang availability ni Alden.

 

 

May dalawang shows pa kasing gagawin si Alden sa GMA Network,  Magsisimula na siyang mag-taping ng bago niyang show sa GMA, iho-host niya ang isang musical competition titled “Battle of the Judges” na magsisimulang ipalabas middle of this month.

 

 

Isusunod dito ni Alden ang pagti-taping naman ng isang drama show sa GMA din.

 

 

***

 

SINA Cristine Reyes at Marco Gumabao, ang napili ng Viva Films na magtambal para sa remake ng dating pelikulang pinagtambalan nina Vilma Santos at Christopher de Leon, ang “Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan.”

 

 

Nakasama noon nina Vilma at Boyet si Eddie Garcia.

 

 

Isa ang movie sa ipinahayag ni Vincent del Rosario sa mga upcoming projects ng Viva.  Ayon pa kay boss Vincent, nagawa na nina Cristine at Marco ang naturang project bago pa nila inamin ang tunay nilang relasyon.

 

 

Ang TV series ay mapapanood sa TV5, abangan natin ang announcement kung kailan magsisimula ang airing nito at kung sinu-sino pa ang bubuo sa cast.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Mobile vaccination team sa Navotas, muling iikot

    INANUNSYO ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na muling mag-iikot sa mga barangay ang kanilang vaccination team simula sa February 14, 2022.     Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang mobile vaccination team ay mag house-to-house para magbakuna ng booster na Astrazeneca sa bedridden na mga residente ng lungsod.     Aniya, para mapuntahan ng vaccination […]

  • Apat na broadcasting company, pinagkalooban ni PDu30 ng prangkisa

    APAT na broadcasting company ang pinagkalooban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng prangkisa.     Inaprubahan ni Pangulong Duterte na makapag- operate sa loob ng 25 taon ang mga broadcasting company gaya ng Soundstream broadcasting corporation, Nation Broadcasting Corporation, GV Broadcasting System o mas kilala bilang Cignal TV at sa Real Radio network.     […]

  • Andrew Garfield, Telling the Truth or Trying to Hide the Big Reveal about ‘Spider-Man: No Way Home’

    RUMOR are still swirling about the inclusion of Andrew Garfield and Tobey Maguire in the upcoming Spider-Man: No Way Home as multiversal web slingers.   Unsurprisingly, Garfield has been badgered about this since the rumors and supposed leaks first started and he’s found a myriad of ways to dance around denying it since. Well, if at first you don’t succeed, deny, deny, and […]