US archbishop itinalaga ni Pope Francis bilang bagong papal nuncio sa PH
- Published on October 1, 2020
- by @peoplesbalita
INANUNSIYO ngayon ng Vatican ang pagpili ni Pope Francis kay Archbishop Charles John Brown bilang kanyang bagong papal nuncio sa Pilipinas.
Ang 60-anyos na American diplomat ay nagmula sa bansang Albania na nagsilbi bilang apostolic nuncio mula pa taong 2017.
Papalitan ni Archbishop Brown si Archbishop Gabriele Caccia, na siya na ngayong Permanent Observer ng Vatican sa United Nations sa New York.
Mula nang magtapos ang tour of duty ni Archbishop Caccia noong December 2019 ay wala pang bagong naitatalaga ang Santo Papa na kanyang kapalit sa bansa.
Bilang papal envoy, siya ang kakatawan ng Holy See sa mahahalagang aktibidad sa Pilipinas kung saan siya ang tatayong dean ng diplomatic corps.
Mahalaga rin ang kanyang gagampanang papel sa pagpili ng mga obispo sa bansa.
Ipinanganak si Brown sa New York at naordinahan bilang pari sa Archdiocese of New York noong May 1989.
Noong September 2009 siya naitalaga rin bilang adjunct secretary of the International Theological Commission na siyang tumutulong sa Vatican sa Congregation for the Doctrine of the Faith na nag-aaral sa mga “doctrinal questions” na mahalaga sa simbahan.
Noon namang November 26, 2011 hinirang siya ni Pope Benedict XVI bilang Apostolic Nuncio to Ireland na naging daan upang maiangat siya sa pagiging archbishop.
March 9, 2017 naman nang ilagay siya ni Pope Francis bilang nuncio sa Albania.
-
VIN DIESEL, winelcome ang Oscar winner sa kanyang IG post: ‘Captain Marvel’ star na si BRIE LARSON, kasama na sa cast ng ‘Fast and Furious 10’
WALA raw balak na magkaroon ng lovelife muna ang tinatawag ngayon na ‘Hugot Queen ng Bayan’ na si Hannah Precillas dahil mas nakatuon daw ito ngayon sa kanyang career bilang singer and performer. Ngayon at maluwag na ang restrictions, sunud-sunod na ang schedules niya para sa ilang regional shows para sa Kapuso network. […]
-
No. 1 most wanted ng Malabon, nalambat sa Bulacan
NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang tinaguriang No. 1 Most Wanted Person ng Malabon City matapos matunton ng pulisya kanyang lungga sa Marilao, Bulacan. Pinuri ni National Capital Region Police Office, Chief, P/ MGen. Debold Sinas ang mga operatiba ng Warrant and Sub- poena Section at Intelligence Section ng Malabon Police Station sa ilalim […]
-
“VENOM: LET THERE BE CARNAGE” SMASHES ITS WAY TO THE BIG SCREEN
VENOM: Let There Be Carnage is almost here, and the only place to see it is exclusively in movie theaters. Get ready as Columbia Pictures prepares to unleash the new action thriller in Philippine cinemas starting December 8th. Tom Hardy returns as the lethal protector Venom, one of MARVEL’s greatest and most complex characters. Directed by Andy Serkis, the […]