• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC suportado rin ang mga atleta sa Tokyo Paralympics

Kagaya ng mga national athletes na sasabak sa Olympic Games, makakatanggap din ng parehong suporta ang mga lalahok sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Sinabi ni Philippine Sports Commissioner Arnold Agustin na ito ang pinagtibay ng PSC Board para sa kampanya ng mga Paralympians.

 

 

“The PSC Board agreed to give the same financial assistance to our Para athletes,” ani  Agustin. “Kung ano ang suporta ng ating pamahalaan sa mga national athletes, ganoon din ang ating ibinibigay sa mga para athletes.”

 

 

Matapos ang Tokyo Olympics, nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8,  papagitna ang Paralympics sa Agosto 24 hanggang Setyembre 5.

 

 

May limang qualifiers na ang bansa para sa T­okyo Paralympics sa katauhan nina Para swimmer Gary Bejino, Para taek­wondo jin Allain Ganapin, Jerold Magliwan at Janette Acevedo ng Para athletics at Ernie Gawilan ng Para swimming.

 

 

Kabuuang 539 events ang nakalatag sa 22 sports Tokyo Paralympics.

Other News
  • Ads October 23, 2023

  • IVERMECTIN, LABAG SA PAGBEBENTA

    LABAG ang pamamahagi, pagbebenta at kahalintulad ng mga hindi rehistradong medical products gaya ng Ivermectin,sa ilalim ng Republic Act 9711 of FDA Act 0f 2009  ayon sa Department of Health (DOH).     Sinabi ito ni Health Usec Maria Rosette Vergeire, sa gitna ng mainit na usapin hinggil sa paggamit ng naturang gamot na isang […]

  • COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, umakyat na sa 26%

    UMAKYAT sa 26% ang COVID 19 positivity rate sa Metro Manila, ayon sa pinakahuling monitoring ng OCTA research group.     Sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na ang kasalukuyang pitong araw na positivity rate ay halos pareho sa naitala na rate noong Mayo 16 sa 25.9%     Aniya, ang nationwide COVID-19 positivity […]