• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao simula na sa training camp sa US

Nasa Amerika na si eight-division world champion Manny Pacquiao upang doon ipagpatuloy ang training camp nito para sa unification fight laban kay reigning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight king Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila).

 

 

Bago umalis ng Pilipinas, muling iginiit ni Pacquiao na walang makapipigil sa laban at tuluy na tuloy ito.

 

 

“Tuloy ang laban!,” ani Pacquiao sa kabila ng banta ng Paradigm Sports na pipigilan nito ang laban dahil sa umano’y “breach of contract.”

 

 

Kasama ni Pacquiao na tumulak sa Amerika si chief trainer Buboy Fernandez kung saan naghihintay na sa Wild Card Gym sa Hollywood, California si Hall of Famer Freddie Roach.

 

 

Mabibigat na ensayo na ang pinagdaanan ni Pacquiao sa General Santos City kung saan sumalang ito sa ilang sparring sessions.

 

 

Ngunit inaasahang mas mataas na lebel ng t­raining camp pa ang nakaabang kay Pacquiao sa Wild Card Gym para matiyak na handang-handa ito sa laban.

 

 

Noong Hunyo pa nag­simula sa matinding workout para sa laban si Pacquiao.

 

 

Sa Wild Card Gym din babalangkasin ng Team Pacquiao ang magiging game plan ng Pinoy champion para kay Spence.

 

 

May nakahanda nang plano si Fernandez para sa laban at inaasahang isasama pa ang sariling game plan ni Roach para lubos na matiyak ang panalo ni Pacquiao.

Other News
  • IRONMAN 70.3 Davao: Azevedo at Crowley NANGUNA!

    Pinasigla nina Filipe Azevedo at Sarah Crowley ng Australia ng Portugal ang kani-kanilang title bid sa bike leg pagkatapos ay pinigilan ang laban ng kanilang mga karibal sa nakakapagod na closing run para koronahan ang kanilang sarili bilang 2023 Alveo IRONMAN 70.3 Davao champions sa Azuela Cove dito Linggo.   Si Azevedo, 30, ay nasa […]

  • VP Duterte itinangging siya nasa likod ng pagpapakulong kay Walden Bello

    DUMISTANSYA si Bise Presidente Sara Duterte sa mga akusasyon ng grupong Laban ng Masa na ang ikalawang pangulo talaga ang pasimuno sa kasong kinakaharap ng aktibista at dating VP candidate na si Walden Bello.     Lunes kasi nang arestuhin ng Quezon City police si Bello para sa kasong cyber libel na inihain ni Jefrey […]

  • Para itigil na ang kanilang hidwaan: K, emosyonal na nakiusap sa tiyahin na tumayong ina-inahan

    EMOSYONAL na nakiusap si K Brosas sa kanyang tiyahin, na tumayo niya ring ina-inahan, na itigil na nila ang kanilang hidwaan.     Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, tinanong ni Tito Boy si K kung napatawad na niya ang kaniyang tiyahin.     “Yes. Matagal na. Ang tagal naming hindi nag-usap eh,” […]