Sa kanto: Ang ‘No loading and Unloading’ zones at mga pasaway na driver at pasahero
- Published on October 1, 2020
- by @peoplesbalita
MADALAS sa jeep o bus, ang mga bumababang pasahero ang sasabihin pag pumara ay “mama sa kanto lang”. Makikita rin natin na madalas nakaparada ang mga jeep na ito sa kanto dahil nandun ang mga pasahero.
May mga tricycle din na ang terminal ay sa mga kanto. Resulta – dagdag sa gipit sa trapiko! Importante na hindi binabarahan ang mga kanto sa mga kalye. Pero lagi na lang natin nakikita na ang mga kanto ang syang madalas lapastanganin ng mga pasaway na drivers at pasahero. Isama na dito ang mga illegal na vendors. Halimbawa, sa kanto ng Katipunan Ave. at Aurora Blvd. patungong Marcos highway.
Napakalaki na ng karatulang “no loading and unloading” sa kanto at naglagay na ng mahabang island ang MMDA pero doon pa rin nag-aabang ng masasakyan ang mga pasahero.
Kaya tuloy ang mga pasaherong jeep mag-me-menor at babagal ang takbo kapag malapit na sa kanto at yun na ang dahilan ng traffic congestion sa area. Mabuti at pinagtityagaan ng mga tauhan at kawani ng Task Force ng QC na itama naman ang sityasyon at igiya ang mga pasahero sa tamang sakayan.
Ginagawa ring illegal terminal ang mga kanto kaya bumabara sa ibang motorista at nagkakaroon pa ng mga illegal na vendors. Isa sa mga problema sa lansangan ay ang hindi pagsunod sa loading and unloading zone.
Gusto kasi ng pasahero ay sa tapat na tapat mismo ng kanilang destinasyon ang baba nila. At kapag hindi ginawa ni mamang driver at lumampas na konti ay halos may away agad na mamamagitan. Ang disiplina sa lansangan ay hindi lang para sa mga driver kundi sa mga motorista at mga pasahero rin – sa tamang sakayan at babaan lang.
At sa tamang tawiran lang. Sanhi ng matinding traffic ang hindi pagsunod ng mga tao sa batas sa batas trapiko. Kailangan din maging mahigpit sa pagpapatupad ng batas laban sa “jaywalking”.
Nababastos ang mga simpleng batas trapiko at tila wala nang sumusunod. Sana ang simpleng pagsunod sa ‘no loading and unloading zones’ ay mapairal ng mahigpit sa ating mga lansangan. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
Duterte: Pagkain, tubig ang pinaka-kailangan ngayon ng Cagayan
Pinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang gabinete ang pamamahagi ng relief goods sa mga residente ng Cagayan Valley na sinalanta ng bagyong “Ulysses.” Nang mag-aerial inspection si Duterte sa Tuguegarao City, na sinundan ng meeting kasama ang kanyang Cabinet officials. “Ang problem talaga sa sunog o baha is water, clean water; potable […]
-
Two-night concert naging matagumpay: ICE, na-starstruck sa idol na si ALANIS at labis ang pasasalamat
KAHIT maulan naging matagumpay ang two-night concert ng international artist na Alanis Morissette na ginanap sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City, na kung saan naki-jamming ang Filipino fans sa mga hit songs niya. Inaabangan din ng mga music lovers ang isa sa mga highlight ng Manila leg ng “Jagged Little Pill”. […]
-
Pinay tennis star Alex Eala nabigo sa opening game ng W25 Madrid
Nabigo si Filipina tennis player Alex Eala sa unang round W25 Madrid. Tinalo kasi siya ni Andrea Lazaro Garcia ng Spain 2-6, 6-4, 6-4. Sa unang set ay hawak ng 16-anyos na world number 630 ang kalamangan hanggang nakabangon at umarangkada si Lazaro Garcia. Unang nagwagi ang Rafa Nadal […]