Truck driver pinagbabaril sa harap ng kainuman
- Published on October 1, 2020
- by @peoplesbalita
NASA malubhang kalagayan ang isang 44-anyos na truck driver matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa harap ng kanyang mga kainuman sa Malabon City, kahapon ng hating gabi.
Inoobserbahan sa MCU Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso at kanang hita ang biktimang si Rodjie Javinar, 44 ng M Adalia St. Brgy. Longos.
Sa imbestigasyon ni PMSg Julius Mabasa, alas-12:10 ng hating gabi, kainuman ng biktima ang kanyang dalawang kaibigan na si Alyas “Toothpick” at alyas “Rolando” sa Adalia St. nang dumating ang suspek at sunud- sunod na pinaputukan ang biktima habang kumarimas naman ng takbo ang kanyang mga kainuman para sa kanilang kaligtasan.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon habang dinala naman ng kanyang mga kaanak ang biktima sa naturang hospital.
Ani Malabon police chief Col. Jessie Tamayao, patuloy ang follow-up imbestigasyon ng kanyang mga tauhan sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inalaam pa ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)
-
Gilas Pilipinas nanatili pa rin sa No. 31 sa world rankings – FIBA
Hindi nabago ang puwesto ng Pilipinas sa ika-31 sa buong mundo sa FIBA World rankings matapos ang Tokyo Olympics. Batay sa latest FIBA report ang Gilas Pilipinas ang ika-anim na best team sa Asia-Pacific kung saan nangunguna ang Australia na nasa No. 3 sa buong mundo. Nagbigay naman bigat sa puwesto […]
-
Tuloy na tuloy at wala nang urungan: Cong. ARJO, inaming within this year na ang kasal nila ni MAINE
KAKAIBA talaga ang ‘Korina Interviews’ ni Korina Sanchez-Roxas na umeere tuwing Linggo ng hapon sa NET 25 dahil cool na cool at masarap panoorin. At sa latest episode na pinalabas last April 30, ang magkapatid na Arjo at Ria Atayde naman ang in-interview ni Ate Koring, na kung saan kitang-kita ang closeness ng […]
-
BONGBONG MULING NANGUNA SA ONLINE SURVEY NG MANILA BULLETIN
MULI na namang nanguna si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos sa online survey gamit ang iba’t ibang uri ng social media platform ng pahayagang Manila Bulletin na isinagawa nitong Nobyembre 19 hanggang 21. Ayon sa opisyal na resulta na ipinalabas ng naturang pahayagan, lumamang ng malaki si Marcos, standard-bearer ng Partido Federal […]