• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lambda variant, hindi variant of concern- Sec. Duque

ITINUTURING ng pamahalaan na variant of interest at hindi variant of concern ang Lambda variant ng Covid 19 na mula naman sa mg bansang Peru at sa Latin America.

 

Sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na bagama’t hindi naman nakakaalarma ang Lambda variant ay mananatili naman ang strict border control sa bansa.

 

“Sa ngayon, ang Lambda variant is identified as a variant of interest. So hindi pa siya variant of concern at ang ating pamamaraan ay ganoon pa rin – strict border control. At napatunayan na natin na ito’y epektibo dahil nga sa Delta variant ay wala pang nakakalusot ni isa sa atin pong mga komunidad, wala pa pong local case nor local transmission ano,” ayon kay Duque.

 

“So iyan po ang paigtingin natin, ang border control – ibig sabihin po nito 14-day quarantine – 10 in the government identified quarantine facility, test on the 7th day and completion of the remaining 4 days in their home, LGU or residents and of course iyong bio-surveillance natin na ginagawa ng Philippine Genome Center,” dagdag na pahayag nito.

 

Para naman kay Sec. Roque, nakatulong sa bansa na walang direct flights sa Pilipinas mula sa Latin America dahil ang lahat aniya ng mga flights ay nag-originate sa Estados Unidos.

 

“So in due course po, we will monitor also the development and we will act accordingly,” ani Sec. Roque.

 

Samantala, tiniyak naman ni Sec. Roque na ang lahat ng mga bakuna sa bansa laban sa Covid -19 ay ligtas at epektibo.

 

Binigyang diin pa nito na ang mga bakuna na ibinigay sa mga mamamayang Filipino ay libre.

 

“Wala naman pong datos or wala naman pong impormasyon na kung nababawasan ba ang pagiging epektibo ng ating mga bakuna dito sa bagong C.37 variant; so effective ang lahat ng ating mga bakuna thus far,” ang pahayag ni Duque. (Daris Jose)

Other News
  • Para maka-move on na at ang ibang tao: CARLA, naging open na pag-usapan ang divorce nila ni TOM

    NAGING open na si Carla Abellana na pag-usapan ang tungkol sa divorce nila ng ex-husband na si Tom Rodriguez.     Sey ng bida ng ‘Stolen Life’, kasalukuyang nasa korte na ang petition para sa divorce of marriage nila dito sa Pilipinas.     Dahil American citizen si Tom, divorce ang na-grant sa US.   […]

  • Nagbahagi ng mga pinagdaraanan sa pagbubuntis: KRIS, pinatulan ang netizen na nag-comment ng, ‘blessing yan, parang pinagsisihan mo?’

    MARAMING naloka at nag-react sa latest Instagram post ni Kris Bernal tungkol sa kanyang pagbubuntis.     Ipinost nga ng aktres ang isang video na kung saan twenty-six weeks na siyang nagdadalang-tao. Ipinakita niya ang lumalaking baby bump at nakasuot pa siya ng pink bikini.     Caption ni Kris, “Same fit but add another […]

  • Mga laro sa PBA kanselado matapos ilagay sa Alert Level 3 ang NCR

    Kinansela ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga laro ngayong linggo mataposilagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.     Muli kasi sanang itutuloy ang mga laro ng 2021 PBA Governor’s Cup sa Miyerkules.     Nagsumite na ang PBA ng sulat sa Games and Amusement Board […]