• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MIDNIGHT VACCINATION, GINAWA SA MAYNILA

UPANG lalong dumami pa  ang mabababkunahan sa Lungsod ng Maynila, nagsagawa ng midnight vaccination  para sa mga trabahador, partikular na sa area ng Divisoria, na hindi makapunta sa vaccination sites tuwing araw dahil kailangan nilang maghanap-buhay.

 

 

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang nasabing special vaccination ay ginawa ng lokal na pamahalaang lungsod sa Recto upang ang mga trabahador tulad ng mga kargador, driver, pahinante, pedicab driver, kuliglig driver, vendor ng isda, gulay, karne, mga nagbababa ng produkto na magmumula sa Northern Luzon, Central Luzon at Southern Luzon ay mabigyan ng libreng bakuna kontra COVID-19.

 

 

Nabatid na naglaan ng 1,000 doses ng Covid vaccine sa nasabing special vaccination kung saan nagsimula ng alas-10 ng gabi at matatapos hanggang alas-5 ng umaga. Masusundan pa mammayang gabi ang nasabing proyekto.

 

 

Samantala, pumalo na sa 726,257 ang naibigay na bakuna ng Manila Health Department sa lungsod ng Maynila.

 

 

Sa nasabing bilang, 559,865 ang nakatanggap ng first dose habang 166,392 ang naturukan na ng second dose.

 

 

Sa ikinasa naman COVID-19 mass vaccination kahapon, umabot sa 39,922 ang nabakunahan ng first dose gamit ang Sinovac vaccines.

 

 

Ngayong araw ay muling magpapatuloy ang pagbabakuna sa lungsod ng Maynila sa mga A1 hanggang A5 priority group para sa kanilang first dose.

 

 

Nasa tig-3,000 doses ang inilaaan sa apat na mall kabilang na dito ang SM San Lazaro, SM Manila, Robinson’s Place Ermita, at Luck Chinatown Mall habang tig-1,500 doses naman sa 18 vaccination sites na paaralan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • COVID-19 surge binabantayan vs Omicron sub-variant

    POSIBLENG magkaroon ng panibagong COVID-19 surge sa bansa na maaaring idulot ng natuklasang mga lokal na kaso ng BA.2.12.1 Omicron sub-variant.     Ayon kay Health Epidemiology Bureau chief Dr. Alethea de Guzman, maaaring magdulot ng surge ang mga sub-variants na nakakaiwas sa ‘immunity’ ng isang tao na sasabayan pa ng pagbaba ng ‘immunity’ ng […]

  • Pfizer vaccines mapapaaga ang dating sa Pinas

    Posibleng mapaaga ang pagde-deliver sa bansa ng bakuna kontra COVID-19 mula sa Pfizer.   Sinabi ni Jose Manuel Romualdez, Philippine Ambassador sa Estados Unidos, na nakausap na niya si Secretary Carlito Galvez at mukhang may pag-asa ang bansa na makuha agad ang bakuna, subalit hindi lang alam kung anong eksaktong buwan.   Nauna nang sinabi […]

  • MPTC, SMC magsasagawa ng RFID “interoperability test”

    Ang Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) at San Miguel Corp. group ay magsasagawa ng testing para sa “interoperability” ng kanilang radio frequency identification cashless toll payment systems na magiging parte ng kanilang plano na gumamit ng iisang RFID sticker sa lahat ng expressways.   Nilagdaan noong December 4 ang isang kasunduan sa pagitan ng dalawang […]