• June 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pfizer vaccines mapapaaga ang dating sa Pinas

Posibleng mapaaga ang pagde-deliver sa bansa ng bakuna kontra COVID-19 mula sa Pfizer.

 

Sinabi ni Jose Manuel Romualdez, Philippine Ambassador sa Estados Unidos, na nakausap na niya si Secretary Carlito Galvez at mukhang may pag-asa ang bansa na makuha agad ang bakuna, subalit hindi lang alam kung anong eksaktong buwan.

 

Nauna nang sinabi ni Romualdez na dahil sa na-delay ang pagproseso sa pagbili ng bakuna ng Pfizer kaya posibleng sa kalagitnaan nitong taon ma-deliver dito sa Pilipinas ang bakuna.

 

Subalit iginiit ngayon ng envoy na posibleng mas mapapaaga na ang pagdadala ng bakuna dito sa bansa na maaaring mga bandang Abril.

 

Bukod sa Pfizer ay maaari rin makakuha ng bakuna mula sa Janssen na ginawa ng Johnson & Johnson na isang shot lang.

 

Nauna na rin inaprubahan ng Food and Drug Administration ang Phase 3 ng clinical trial  application ng bakuna ng Janssen kontra COVID-19.

 

Ang Pfizer-BioNTech ay subok na may 95% na epektibo sa lahat ng ginawang human trials. (ARA ROMERO)

Other News
  • Ads June 18, 2021

  • 3 arestado sa P68K shabu sa Valenzuela

    TIMBOG ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang bebot sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Marvin Cruz, 42, Jefferson Ore, 27, kapwa ng Brgy. Gen. […]

  • PBBM, ipinag-utos ang “major reform” para labanan ang smuggling, tiyakin na magiging madali ang pagnenegosyo

    NAIS ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na magsagawa ng reporma sa burukrasya para labanan ang smuggling, babaan ang logistics costs at tiyakin na magiging madali ang pagnenegosyo.  Ito’y habang sinusuportahan ng gobyerno ang investments at business activity sa bansa. Sa isinagawang pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC), sinabi ng Pangulo na ang kasalukuyang […]