Turista kailangang magpakita ng negative COVID-19 test results
- Published on July 9, 2021
- by @peoplesbalita
Kailangan muling magpakita ng negatibong COVID-19 test results ng mga turista bago makapasok sa destinasyong probinsya dahil sa hindi pa nakapagpapalabas ng pinal na polisiya ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ukol sa mga ‘fully-vaccinated’ na.
Kabaligtaran ito ng unang inihayag ng pamahalaan na kailangan na lamang ipakita ang ‘vaccination card’ ng mga fully-vaccinated na turista sa mga hangganan base sa IATF Resolution No. 124-B. May mga kumontra dito dahil sa wala umano silang kakayahan na berepikahin ang pagiging tunay ng mga vaccination cards.
Ayon sa DOH, kinikilala nila ang pag-aalala ng mga lokal na pamahalaan kaya magkakaroon ng pagpupulong sa pagitan ng mga kinatawan ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) at ng League of Provinces of the Philippines upang plantsahin ang resolusyon.
“In any case, what remains is the flexibility of the LGUs to implement testing and quarantine protocols for interzonal travel,” ayon kay Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire.
Pangunahing pag-uusapan ay ang paglikha ng mga paraan para maberepika ang pagiging totoo ng mga ‘vaccination cards’ na maaaring pekein ng publiko.
-
Nag-celebrate pa ng 2nd anniversary last May: ARIANA GRANDE, hiwalay na sa asawa na si DALTON GOMEZ
NAIKUWENTO ni Sef Cadayona na pumasok na sa isip niya nitong mga nagdaang mga buwan na mag-quit na siya sa showbiz. Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit hindi na siya sumama sa bagong timeslot ng “Bubble Gang.” “Actually hindi naman ako nawala, nandito pa rin ako. Kung […]
-
Aliw na aliw ang mga netizens sa kulitan nila ni Sylvia: ICE, inakalang namatay dahil sa black and white photo sa IG
DAHIL sa in-upload na black and white photo ni Ice Dino Seguerra sa kanyang Instagram account, napagtanto niya ngayon na, “ang hirap pala mag-post ng black and white photo sa IG, may phobia na ang mga tao.” Ito ang nilagay na caption ni Ice sa kanyang FB post na kung saan ginawa rin niyang […]
-
ALBANO, DY SABIT SA KATIWALIAN SA ISABELA PROVINCE
NAGSAMPA ng reklamo sa Senate Committee of Ethics si dating Angadanan, Isabela Mayor Manuel Noli Siquian Sr. laban sa tatlong senador kamakailan. Ito ay bunsod ng kawalan ng aksyon sa ipinarating na reklamo kaugnay ng nangyayaring talamak na katiwalian sa Isabela Province. Kabilang sa inirereklamo sina Senador Francis Tolentino na siyang […]