• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HOLDAPER ARESTADO SA MALABON

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang umano’y holdaper matapos kumasa sa kanya ang dalawang technician na kanyang hinoldap at inagawan ng cellular phone sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Alexis Padilla, 29, ng Block 21, Lot 5, Dulong Hernandez, Brgy. Catmon na nahaharap sa kasong robbery hold-up at paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Act.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon nina P/SSgt. Mardelio Osting at P/SSgt. Diego Ngippol, hawak nina Genesis Aberilla , 25 ng No. 15 Angela Street at Louie Limsiaco, 32 ng No. 9 Magnolia Street sa Barangay Maysilo ang kani-kanilang cellular phone na parehong nagkakahalaga ng P12,000 habang naglalaro ng mobile legend dakong alas-9:30 ng gabi sa Angela St. sa naturang barangay nang sumulpot ang suspek na armado ng kalibre .38 revolver at nagdeklara ng holdap.

 

 

Habang kinukuha ng suspek ang mobile phone ng mga biktima, nakakita ng pagkakataon ang dalawa na agawin ang baril hanggang sa pambuno ang mga ito na nakatawag pansin sa mga nagrorondang tanod na nagresulta sa pagkakadakip kay Padilla.

 

 

Nabawi sa suspek ang ginamit nitong baril na may kargang tatlong bala at ang inagaw na mobile phone ng mga biktima na gagamiting ebidensiya ng mga pulis sa pagsasampa ng kaukulang kaso. (Richard Mesa)

Other News
  • MARK, inaming private ang issue nila ni LOLIT kaya hindi pwedeng sagutin

    MALAPIT na ang birthday ni Senator Bong Revilla, sa September 25, kaya naman nag-isip na siya ng birthday pasabog and post it na sa kanyang YouTube channel na “Kap’s Amazing Giveaways.”     Isa sa malaking premyo na matatanggap ng winner ay cash worth P 50,000, at marami pa ring malalaking premyo na ipamimigay ang […]

  • Tricycle driver patay, barangay tanod sugatan sa pamamaril sa Malabon

    TODAS ang isang 42-anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi kilalang gunman habang malubha namang nasugatan ang isang barangay tanod na nakasaksi sa insidente nang barilin din ng isa sa mga suspek sa Malabon city, Linggo ng gabi.     Ayon kay Malabon police chief P/Col. Joel Villanueva, dead on the spot si Ruben […]

  • Aliño, bagong SBMA head

    OPISYAL na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang negosyanteng si Eduardo Aliño bilang bagong chairperson at administrador ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).     Sa katunayan, pormal nang nanumpa sa kanyang tungkulin si Aliño sa harap ni Pangulong Marcos bilang SBMA head sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang.     “President […]