• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fernando, binalikan ang mga nagawa ng Bulacan laban sa pandemya

LUNGSOD NG MALOLOS- Binalikan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga maagap na inisyatibo ng Bulacan na naging dahilan upang mapagtagumpayan ang laban sa pandemyang COVID-19 sa ginanap na 11th Joint Meeting of the Response, Law and Order, and Recovery Clusters ng Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 sa pamamagitan ng aplikasyong Zoom kahapon.

 

 

Naniniwala si Fernando na ang pagbabalik-tanaw sa mga naisakatuparan ang maggigiya sa kanya at sa buong lalawigan sa tamang direksyon.

 

 

“Sa ating mabilis na pagkilos at paghahanda, naisagawa natin ang sumusunod- paghihiwalay ng COVID at non-COVID patients, agad na pagtatatag sa BICC, pagtatayo ng sariling testing at diagnostic facility sa loob lamang ng isang buwan, pagtatayo ng GeneXpert laboratory, at pagsunod sa PDITR strategy na kinilala ng IATF bilang isa sa sistematikong pagtugon ng mga LGU sa buong bansa,” pagiisa-isa ng gobernador.

 

 

Inalala rin niya ang mga hakbangin na isinagawa matapos ang pagtaas ng kaso ng COVID dahil sa mga bagong variant ng virus noong Pebrero 2021.

 

 

“Ipinatupad natin ang Bulacan Surge Capacity System, nagsagawa ng pagbabago sa work arrangement sa Kapitolyo, and focused on preventing and containing the COVID-19 pandemic habang inaalalayan natin ang socio-economic impact sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng ayuda mula sa pondo ng Pamahalaang Panlalawigan at tulong mula sa mga national agencies at mga non-government organizations,” dagdag pa niya.

 

 

Pinasalamatan ng punong lalawigan ang mga health workerfrontliner, at lahat ng Bulakenyo para sa kanilang pagsunod sa mga health protocol na nagbunsod ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID.

 

 

“Sa mga pinakahuling ulat, gumaganda ang bunga ng ating mga pagsisikap to manage the health risks habang nagsisikap tayo tungo sa socio-economic recovery sa pagbubukas ng ating ekonomiya,” anang gobernador.

 

 

Sa pagpupulong, iniulat ni PTF Response Cluster Head Dr. Hjordis Marushka Celis na 96% o 39,227 sa kabuuang 40,922 kumpirmadong kaso ng COVID sa lalawigan ang gumaling na, dalawang porsiyento o 815 ang nananatiling aktibo, at ang dalawa pang porsiyento o 880 ang namatay dahil sa virus.

Other News
  • VALENZUELANONG LUMABAG SA BATAS-TRAPIKO, ABSWELTO SA MULTA

    NAGPASA ang Sanggunian ng Valenzuela City ng ordinansang nag-aabswelto sa mga motoristang Valenzuelano na nahuling lumabag sa mga batas trapiko sa pamamagitan ng No Contact Apprehension Program (NCAP) na magbayad  ng multa.     Nakasaad sa Ordinance No. 901 Series of 2021, ang mga motoristang lumabag sa batas trapiko habang nakataas ang enhanced community quarantine […]

  • Paddington Returns to the Amazon Rainforest in a Thrilling New Adventure, “Paddington in Peru”

    THE marmalade-loving bear with an insatiable sense of wonder is back! “Paddington in Peru,” the highly anticipated third installment in the Paddington series, sees our beloved bear heading to the vibrant Amazon jungle in search of his Aunt Lucy. This time, he’s not just visiting but embarking on a quest that will have audiences on […]

  • Malakanyang, hangad ang mabilis na paggaling ni dating Pangulong Estrada

    HANGAD ng Malakanyang ang mabilis na paggaling ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na isinugod sa ospital matapos tamaan ng COVID-19.    “Please get well soon. Alamat po kayo dito sa Pilipinas,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   “We want to see you healthy and we want you to take part in the public […]