• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CRISTINE, nanghihinayang na ‘di natanggap ang Best Actress award para sa ‘Untrue’; dadalo na ‘pag may filmfest entry

NANGHIHINAYANG si Cristine Reyes na hindi na natanggap personal ang Best Actress award which she won for the movie Untrue, na dinirek ni Sigrid Andrea Bernardo.

 

 

“Hindi naman kasi ako nag-expect na mananalo so when Viva asked me kung gusto kong pumunta sa festival, I turned them down,” kwento ni Cristine sa presscon ng Encounter na ginawa sa Botejyu-Estancia.

 

 

“Pero if ever na may movie ako uli na maisasali sa isang festival, dadalo na ako,” sabi pa ng lead actress ng Encounter na dinirek ni Jeffrey Jeturian.

 

 

Ayon pa kay Cristine, maganda ang working relationship nila ni Diego Loyzaga who plays her leading man sa Encounter although aminado si Diego na he was intimidated at first kay Cristine.

 

 

***

 

 

SA July 30 na ang ipalalabas ang Gameboys The Movie sa mga streaming platforms.

 

 

Kaya in-interview namin via FB messenger sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas courtesy of Direk Perci Intalan of The Idea First Company, na producer ng phenomenal Pinoy BL movie.

 

 

Ano ang pakiramdam nina Elijah and Kokoy sa nalalapit na playdate ng Gameboys The Movie?

 

 

“Very excited na finally mapapanood na ng marami ang pinaghirapan naming project. Dugo at pawis ang inalay ng bawat isa sa amin dito, mapaharap man o likod ng camera,” sagot ni Kokoy.

 

 

“I’m just really excited to see the film myself. It’s always a different level of fulfillment as an artist once you see the output of everyone’s hard work and passion on the screen. I can’t wait for the new audiences and the whole Gameboys fandom to see it as well,” pahayag naman ni Elijah.

 

 

What do they look forward to sa nasabing event?

 

 

Sabi ni Kokoy, “Para sakin po, yung magiging aral na makukuha ng bawat isang makakanood nito, samantalang sagot ni Elijah, “For the people to watch the film, new fans included.

 

 

Ano naman ang kanilang natutuhan sa amazing journey ng Gameboys series?

 

 

“Natutunan ko na hindi lahat ng bagay ay palaging masaya, kailangan mo din pagdaanan ang sakit at poot para matamasa ang totoong ligaya,” seryosong pahayag ni Kokoy.

 

 

“This may sound cliché, but nothing really is impossible. Imagine, we were shooting the pilot for the first season over a year ago. With no idea how to work around the process of zoom filmmaking.

 

 

Shooting remotely inside our homes. Being directed and instructed through zoom. Using our own personal phones as cameras. It’s crazy to think that all of that led us to today. It keeps me going,” mahabang pahayag naman ni Elijah.

 

 

      “Hindi pa po, at wala akong idea kung ano ang kahihinatnan. Pero sigurado akong maganda ito. Dahil sa IdeaFirst,” sagot ni Kokoy when asked kung napanood na nila ang pelikula.

 

 

“Not yet. But I have no doubt it’s going to be amazing,” tugon naman ni Elijah.

 

 

How different is the movie, content-wise, from the series?

 

 

“Alam naman natin na nabitin tayo nang bongga sa series, tama? Tama! Kaya naman dito itutuloy natin ang nabitin na pagmamahalan. Excited? Very Excited!!!!!,” sabi ni Kokoy.

 

 

“I think the biggest and most obvious difference is that the movie is not told through the video call set-up that everyone was accustomed to from the first season. The movie is bolder, braver, and the stakes are just as high if not higher,” sagot naman ni Elijah.

 

 

Mabilis naubos ang tickets ng Gameboys The Movie nang mag-advance selling ito. Parang may contest nga ang mga fans nina Elijah at Kokoy dahil very proud silang ina-announce sa social media na may tickets na sila.

 

 

Yung mga fans na hindi pa nakabili ng tickets ay nakaabang sa announcement kung kailan available ang mga tickets for the local and international screening.

 

 

Lahat ng mga EliKoy fans ay excited nang mapanood ang Gameboys The Movie. At kasama kami roon.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Mga baril, bomba nahukay sa sugar mill ni ex-Governor Teves

    IBA’T ibang uri pa ng mga baril at pampasabog ang nahukay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa sugar mill ni dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves kamakalawa ng gabi sa Sta. Catalina, Negros Oriental.     Gamit ang backhoe, sinabi ni CIDG legal officer Col. Thomas Valmonte, nahukay sa […]

  • Babaeng dalaw sa kulungan, buking sa droga na itinago sa ari

    HINDI na nakalabas ng kulungan ang isang babaeng dadalaw lang sana sa nakakulong niyang kinakasama matapos mabisto ng babaeng jail officer ang shabu na itinago niya sa kanyang maselang parte ng katawan sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan City Jail (CCJ) Warden J/Supt. Jerome Verbo, alas-3:30 ng hapon nang dumating ang suspek na […]

  • 3 PBA star players, dumalo sa blessing ng bagong renovate na sports complex sa Navotas

    DUMALO bilang espesyal na mga panauhin ang tatlong star players ng Philippine Basketball Association (PBA) sa pagbubukas ng bagong renovate na sports complex sa Navotas City, kasabay ng pagdiriwang ng ika-16 na Anibersaryo nito.     Nagtatampok ang bagong ayos na pasilidad ng full-length na basketball court, fully air-condition na mga dugout, at espasyo para […]