‘Maximum tolerance’ tiniyak ng PNP sa paglabas ng mga bata
- Published on July 12, 2021
- by @peoplesbalita
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanilang paiiralin ang “maximum tolerance” sa pagpapatupad sa panibagong protocol ng Inter Agency Task Force hinggil sa pagpayag na lumabas na rin ang mga bata sa iilang lugar.
Inihayag ito ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar kasabay ng paalala sa mga magulang na kailangan pa rin bantayan ang kani-kanilang mga anak.
Ayon kay Eleazar, dahil sa pagluluwag ng regulasyon, maraming bata ang inaasahang makikitang lalabas at pagala-gala sa lansangan. Maraming bata ang papaalalahanan at sasawayin ng mga pulis kaya kailangan ay maximum tolerance.
Sa bagong protocols, pinapayagan nang makalabas ang mga batang nasa edad 5 taon pataas subalit hindi pa rin pinapayagan sa malls. Payo ni Eleazar kailangan na magdoble ingat sa paglabas kasama ang mga bata.
Hindi dapat magpaka-kampante ang mga magulang sa paglabas ng bahay dahil nariyan pa rin ang banta ng COVID-19 at lalo pa itong bumabagsik dahil sa mga bagong variant.
Nagbabala pa ang PNP Chief sa mga magulang kung may mga paglabag sa mga panuntunan sila ang mananagot.
Ang bagong panuntunan ng IATF ay ipatutupad sa GCQ at MGCQ areas.
Hindi kasama rito ang mga lugar na nasa GCQ “with heightened restrictions,” tulad ng Laguna at Cavite. (Gene Adsuara)
-
Mag-asawa, 3 pa tiklo sa higit P.4M droga sa Valenzuela
KALABOSO ang mag-asawa na sangkot umano sa pagbebenta ng shabu, marijuana, at marijuana oil vape matapos madakip ng pulisya sa ikinasang buy bust operation, pati na ang tatlo nilang parokyano sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni P/Lt. Col. Robert Sales, hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) kay Northern […]
-
Cebu City, isinailalim na sa state of calamity dahil sa Bagyong Agaton
TULUYAN nang nagdeklara ng state of calamity si Cebu City Mayor Mike Rama sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Agaton na nagdala ng walang humpay na pag-ulan sa lungsod. Alinsunod sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, ipinatupad rin ng alkade ang “no work, no classes” ngayong araw bilang preventive […]
-
PBBM, nilagdaan na ang 2023 national budget
NILAGDAAN kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P5.268 trillion na panukalang national appropriations for 2023. Ito ang kauna- unahang budget sa ilalim ng administrasyong Marcos. Dadalo si Pangulong Marcos sa ceremonial signing ng 2023 General Appropriations Act (GAA) sa Malacañang dakong alas-3 ng hapon ayon sa Palace advisory. […]