• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcelino sobra na ang sakripisyo

PINAGTAPAT ni Philippine Basketball Association o PBA rookie rookie Jaycee Marcelino ng Alaska Milk na naging mahirap para sa kanya ang pagkakatengga ng ika-45 na edisyon ng propesyonal liga na Philippine Cup 2020 elimination round.

 

Ayon kamakalawa sa basketbolista, may 10 buwan siyang hindi nakapaglaro ng opisyal na basketbol o magbuhat nang yumukod ang Lyceum of the Philippines University sa Colegio de San Juan de Letran 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) 2019 semi- finals bago nag-lockdown nitong Marso sanhi ng Covid-19.

 

“Sa akin sobrang hirap kasi nung na-cancel po ‘yung mga practice saka laro, umuwi po [muna] ako ng probinsya,” litanya ng Aces 17th overall pick sa 2019 PBA Rookie Draft noong Disyembre.

 

Pero maski naman matagal na namahinga siya sa sport, nagpapasalamat pa rin ang collegiate standout lalo’t nakakapag- training via online ang mga maggagatas bilang paghahanda sa PBA bubble simula sa Oktubre 11 sa Clark Freeport.

 

“Pero ang maganda sa team namin nag zu-zoom workout kami at tatlong beses yun sa isang lingo,” wakas na wika ng cager na dalawang taon ang nilagdaang kontrata sa prangkisang Uytengsu. (REC)

Other News
  • ‘Unity’ tema ng 19th Congress

    UNITY  o pagkakaisa ang magiging tema ng 19th Congress sa pagpasok ng bagong administrasyon, ayon kay Majority Leader at 1st District Leyte Rep. Martin Romualdez na number 1 contender sa House Speakership.     Ginawa ni Romualdez ang pahayag bilang reaksyon sa pakikipagkamay ng pamangkin nito na si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos […]

  • SHAKE HANDS SA EVACUATION CENTERS, IWASAN

    IWASAN  ang physical close contact tulad ng shake hands o paghawak ng kamay at pagyakap sa mga evacuation centers. Ito ay paalala ng Department of Health (DOH) sa mga evacuees at mga opisyal na bumibisita sa mga evacuation centers. Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na maaring nasasabik na ang mga residente  at gustong […]

  • Crime rate sa Metro Manila, bumaba ng 17% – PNP

    INIULAT ng Philippine National Police na bu­maba ng 17 porsiyento ang crime incidents sa National Capital Region mula November 2021 hanggang Enero 2022.     Ayon kay PNP spokesperson P/Col. Jean Fajardo, ang pagbaba ng crime incidents mula Nob. 20, 2021 at hanggang Enero 23, 2022 ay indikasyon ng maigting na kampanya ng PNP laban […]