• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vaccination stickers sa mga bahay, suportado ng DOH

Suportado ng Department of Health (DOH) ang istratehiya ng ilang lokal na pamahalaan na kabitan ng ‘vaccination stickers’ ang mga bahay o establisimiyento na ang mga nakatira ay mga ‘fully-vaccinated’ na kontra sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kung isa ito sa istratehiya ng mga lokal na pamahalaan na mapataas ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna, wala siyang nakikitang uri ng diskriminasyon dito.

 

 

Nauna nang nagpatupad ng estilong ito ang pamahalaang lungsod ng Mandaluyong.

 

 

Iginiit ni Vergeire na patuloy na boluntaryo ang pagpapabakuna ng publiko ngunit madiin ang paghikayat nila na samantalahin ang libreng bakuna sa ‘vaccination program’ bilang proteksyon sa sarili at sa mga kasamahan sa bahay.

 

 

“Sa mga communications handle natin, pilit natin ini-encourage ang ating mga kababayan na magpabakuna. Pinapakita at pinaparinig natin sa kanila kung ano ang pwedeng maging benepisyo ng bakunang ito para sila ay makumbinse,” ayon pa sa opisyal.  (Daris Jose)

Other News
  • ‘Doctor Strange in the Multiverse of Madness’, 2022’s Highest-Grossing Movie For Now Surpassing ‘The Batman’

    DOCTOR Strange in the Multiverse of Madness has become 2022’s highest-grossing movie at the box office so far, surpassing Matt Reeves’ The Batman.     The Sam Raimi-helmed sequel saw the return of original film stars Benedict Cumberbatch, Chiwetel Ejiofor, Benedict Wong, and Rachel McAdams. They were joined by Elizabeth Olsen and Marvel Cinematic Universe […]

  • 2 RIDER, PATAY SA TRAILER TRUCK

    NASAWI ang dalawang rider nang mabangga ng trailer truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw.     Kinilala ang  mga biktima na si Jake Tiburania,nasa hustong gulang ng 14 San Vicente St., Pineda, Pasig City at backride na si Brix Deuna Urot, nasa hustong gulang at nakatira sa 0009 Sitio […]

  • 3,012 BUSINESS ESTABLISHMENT NAGHAIN NG TEMPORARY CLOSURE

    NAGHAIN sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang may 3,012 na mga establishment ng temporary closure matapos na maapektuhan ng COVID-19 pandemic.   Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III,nangangahulugan umano ito na mawawalan ng trabaho pansamantala ang may 100,000 empleyado.   Una nang sinabi ni Bello na aabot sa may 2.7 milyon workers […]