• April 7, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paggamit ng booster shots ‘di pa inirerekomenda sa ngayon – DOH

Nanindigan ang DOH na hindi pa inirerekomenda sa ngayon ang paggamit ng booster shots ng COVID-19 vaccine dahil wala pang sapat na ebidensiya ng pangangailangan ng karagdagang dose ng covid vaccine.

 

 

Binigyang diin ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi pa aniya mairerekomenda ang paggamit ng booster shots hanggang wala pang pinanghahawakan na kompletong ebidensiya at scientific basis na nagsasabing ligtas at epektibong gamitin ang booster shots.

 

 

Umapela naman si Vergeire sa publiko na magtiwala sa mga available na bakuna sa bansa dahil lumalabas sa real world studies na ang mga bakuna na ginagamit ngayon para sa vaccination drive ng gobyerno ay epektibo kontra sa symptomatic infections, pagkaospital at pagkamatay sa deadly virus.

 

 

Paliwanag naman ni Dr. Lulu Bravo, executive director of the Philippine Foundation for Vaccination na hindi pa sapat ang mga isinagawang pag-aaral sa COVID-19 vaccine booster shots.

 

 

Marami pa aniyang kailangang talakayin gaya na lamang ng availability ng mga bakuna dahil giit ni Bravo na wala pa sa kalahati ng populasyon sa bansa ang nababakunahan kontra COVID-19.

 

 

Kailangan din aniya na gumawa muna ng rekomendasyon ang FDA at dapat na pag-aralan muna ng vaccine experts at hindi ng manufacturer o business entity ang booster shots.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Dr. Nina Gloriani, mula sa vaccine experts panel head na inaasahang ilalabas sa katapusan ng third quarter ng 2021 ang pag-aaral mula sa ibang bansa sa paggamit ng booster shots at mix and match ng bakuna.

 

 

Nauna nang inanunsiyo ng American pharmaceutical corporation na Pfizer-BioNtech na gumagawa ito ng booster shot ng kanilang bakuna na target na malabanan ang mas nakakahawang Delta variant na na-detect na rin sa mahigit 100 mga bansa. (Daris Jose)

Other News
  • P1.4-B Panukalang budget para sa mga ‘biyahe’ ni PBBM sa 2024 , binigyang katwiran ng DBM

    BINIGYANG katwiran ni Budget Secretary Amenah Pangandaman  ang  mahigit sa P1.4 bilyong alokasyon para sa local at foreign missions ng Office of the President (OP) para sa susunod na taon.     Sa press briefing sa Malakanyang, ipinaliwanag ni Pangandaman ang pagtaas sa budget para sa foreign trips ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. para sa […]

  • Disqualification cases vs BBM, ibinasura ng Comelec First Division

    WALA nang hadlang sa pagtakbo sa pagkapangulo ni dating Sen. Bongbong Marcos.     Ito’y makaraang ibasura ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang lahat ng natitirang disqualification cases na isinampa laban sa kanya.     Sa 44-pahinang resolusyon na pinonente ni Commissioner Aimee Ferolino ng First Division at sinang-ayunan ni Commissioner Marlon Casquejo, […]

  • Pinoy jins hahataw sa Vietnam

    NAKATAKDANG  umalis ngayong araw ang Smart/MVP Sports Foundation taekwondo squad upang magpartisipa sa 2022 ATF (Asean Taekwondo Fe­deration) Taekwondo Championships na hahataw mula Marso 30 hanggang Abril 4 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.     Binubuo ang koponan ng 10 atleta sa kyorugi (free sparring) at lima sa poomsae.     Magsisilbing delegation head […]