• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA, walang patid ang declogging operations sa mga kanal at estero

WALANG patid ang declogging operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kanal at estero bilang paghahanda ngayong tag-ulan.

 

Bukod dito, nakatutok din ang MMDA sa 64 pumping stations na pawang gumagana naman lahat. tatlo nag bago rito.

 

At para sigurado na walang mga damage ang mga pumping stations ay naglagay ang MMDA ng trash net boom. Para walang pumasok na basura at hindi masira ang pumping stations.

 

Ipinagmalaki naman ni MMDA chair Benhur Abalos na kahit papaano ay may improvement ang kanilang ginagawang paglilinis sa mga ilog.

 

Iyon nga lamang ay kailangan na rebisahin ang lumang ordinansa lalo pa’t may iba’t ibang ordinansa sa Kalakhang Maynila.

 

Naniniwala kasi si Abalos na kailangang patawan ng mabigat na kaparusahan ang mahuhuling magtatapon ng basura lalo na sa ilog.

 

Ito’y sa kabila pa rin ng mga inilagay naman nilang trash net boom sa mga pangunahing estero at ilog at maging sa kaloob-looban ng mga kanal.

 

“Ang solusyon dito ay kailangan walang magtapon eh.. kaya dapat talaga na may mahuli sa kanila,” ani Abalos.

 

PINAHULI naman ni Abalos ang nagpilit na malagay ng road reblocking na labas sa ipinatutupad na DPWH road reblocking na alas- 11 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

 

Bagama’t tatlong araw lamang ito na nagsimula noong Hulyo 9 at magtatapos ngayong araw, Hulyo 12 ay kailangan pa rin na tugunan ng MMDA ang reklamo ng mga motorista na alas-2 pa lamang ng hapon ay mayroon ng road reblocking.

 

Ang ibinigay aniya sa kanyang lokasyon ay tatlo at ito ay ang EDSA sa may Caloocan City, C-5 Road Katipunan, Boni Serrano Tunnel (3rd lane mula sa sidewalk) at C-5 Road bago ang Rajah Matanda (3rd lane mula sa sidewalk).

 

Bagama’t tatlong araw lamang aniya ito ay sinabi niya na puwede lamang mag-road reblocking mula 11 ng gabi hanggang 5 am.

 

“Ang sinabi ko lang sa kanila, puwede silang mag-reblocking kung hindi ay talagang ipapadampot ko ang gumagawa nito. talagang ipapa-aresto ko noh. talagang hindi tama iyon. Nakaka-obstruct sila ng traffic,” aniya pa rin.

 

Hindi lamang reblocking ang inireklamo sa MMDA maging ang naghuhukay ng kalye.

 

“Talagang sinabi ko sa ahensiya.. ipatawag lahat ito. Ipa-review lahat ito, hindi lamang Edsa, secondary, tertiary road at isumbong sa himpilan ko dahil may roon na akong dalawang sinita. Ang sabi ko, kung hindi ninyo matapos iyan, I will make sure ipapa-blocklist ko kayo. at i will make sure magbabayad kayo ng penalty. So, iyon ang pinamamadali ko talaga,” aniya pa rin.

Other News
  • Ads July 13, 2021

  • Israel, nasa Alert Level 2 na

    INILAGAY  na ng Department of Foreign Affairs ang Alert Level 2 sa Israel sa gitna ng nagpapatuloy na giyera doon. Ito ang inihayag ni DFA Usec. Eduardo de Vega.     Sa ilalim ng Alert Level 2 o Restricted Phase, bawal na ang pagpapadala ng mga bagong manggagawa duon.     Pero ayon kay de […]

  • Obiena, PATAFA gumulo pa

    SA halip na mag-areglo gaya nang kanilang mga pinahayag sa Senado noong Pebrero 11, mas malaki pang gusot ang sumambulat para kay 2020+1 Tokyo Olympian men’s pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena at sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na pinamumunuan bilang pangulo ni Philip Ella ‘Popoy’ Juico.     Hindi gumalaw ang […]