• April 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena, PATAFA gumulo pa

SA halip na mag-areglo gaya nang kanilang mga pinahayag sa Senado noong Pebrero 11, mas malaki pang gusot ang sumambulat para kay 2020+1 Tokyo Olympian men’s pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena at sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na pinamumunuan bilang pangulo ni Philip Ella ‘Popoy’ Juico.

 

 

Hindi gumalaw ang pambansang atleta para ayusin ang gusot na binibintang sa kanya ng PATAFA magmula nang pulungin ng ilang senador sa nabanggit na petsa.

 

 

Kaya maaaring sa inis ni Juico at ng PATAFA, iniakyat na ang kaso ni Obiena sa nakabase sa Lausanne, Switzerland na Court of Arbitration for Sport.

 

 

Umalma naman si POC president Abraham Tolentino na kumakampi kay Obiena nitong Miyerkoles, giniit na  paglabag aniya iyon sa integridad at dumidiskaril sa pagsisikap ng mga mambabatas na maplantsa na ang alingasngas sa pera na sumiklab noong Nobyembre.

 

 

“So what happened to the truce forged through the Senate? The mediation that both parties — Obiena and the Patafa agreed on before our honorable Senators?” pagtatanong pa ng opisyal.

 

 

Sana bumaba sa kanilang mga ere ang dalawang kampo upang maayos pa rin lalo’t idaraos sa taong ito ang 31st Southeast Asian Games sa Vietnam sa Mayo at 19th Asian Games sa China sa Setyembre na inaasahang lalahukan ni EJ.

 

 

Walang panalo sa dalawa. Ang bansa lang ang kahiya-hiya. (REC)

Other News
  • RABIYA, maayos na pinatulan ang matinding pang-i-insulto sa kanya ng isang basher

    NAKAAALIW ang IG post ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na kung saan na naka-baker outfit kasama ang nakapaglalaway at binabalik-balikang Raisin Bread sa Baguio City.     Caption ng bagong Kapuso star, “Minsan action star, minsan panadero.     “Was privileged enough to see how to make the ever famous Raisin Bread ng […]

  • KELOT TIMBOG SA MARIJUANA

    Arestado ang isang 28-anyos na lalaki matapos mabisto ang dalang marijuana makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.   Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Art 151 ang suspek na si Kendrick Dolar, ng 1233 Medina St. Brgy. Gen. […]

  • “BABYLON” NABS 5 GOLDEN GLOBE NOMS INCLUDING BEST PICTURE

    DIRECTOR Damien Chazelle’s Babylon, the lavish and provocative epic tale about early Hollywood has just received five Golden Globe nominations including Best Motion Picture – Musical or Comedy.     [Watch the film’s “Welcome to Babylon” featurette at https://youtu.be/hyoj0bML6Z8]     Three of its principal cast members scored major acting nominations: Best Actress for Margot Robbie (as […]