• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mr. M, happy and certified Kapuso na at magiging consultant ng GMA Artist Center

ISANG big welcome ang binigay kay Mr. M (Johnny Manahan) kahapon, July 13 sa naganap na online contract signing sa GMA Network. 

 

 

Doon nga nalaman kung ano talaga ang magiging position nila sa network, at tulad ng balita magiging consultant siya sa GMA Artist Center para maka-develop ng new breed of GMA artists.

 

 

Nilinaw din niya na hindi siya magdi-direct ng entertainment shows tulad ng ginagawa niya sa ABS-CBN.

 

 

Sa naging pahayag ni Ms. M, “I’m very happy that Atty, [Felipe] Gozon and the rest of the executives have given me this chance and opportunity to work with GMA-7 and become a Kapuso.”

 

 

Dagdag pa niya, “This is like a homecoming of sorts and I’m very proud.

 

 

Pero may tanong din kung sino raw ang dalawang artista na makakasabay nila Mr. M at Ms. Mariole Alberto na lilipat?

 

 

May mga pangalan nang binanggit tulad ni Sarah Geronimo, pero umapir na muli siya sa ASAP Natin ‘To last Sunday, July 11, kaya mukhang malabo na at ipalalabas lamang sa GMA Pinoy TV ang kanyang Tala virtual concert.

 

 

Wala pa ring balita kay Piolo Pascual kung lilipat nga siya, dahil sa kasalukuyan ay nasa Los Angeles, California at ini-expect ng mga fans na magkikita sila roon ni KC Concepcion.

 

 

***

 

 

NGAYON sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez na ang napapanood sa The World Between Us gabi-gabi after ng 24 Oras sa GMA-7, lalong nagti-trending sa Twitter ang serye at tumataas ang rating nila, ganoon din ang number of views nila sa YouTube.

 

 

Nagustuhan ng mga viewers ang takbo ng story ng serye na dinidirek ni Dominic Zapata, kaya gabi-gabi ay excited na silang malaman ang bawat eksenang mangyayari dahil nagsisimula na ang mga conflicts kina Louie (Alden) at Brian (Tom) at nadi-develop na sa isa’t isa sina Lia (Jasmine) at Louie.

 

 

Gusto na ng mga netizens malaman kung paano magsisikap si Louie para matupad ang pangako niya sa namatay na ina.  At ano ang magti-trigger kay  Brian para api-apihin niya si Louie, ganoong friends sila at tinutulungan siya para makapasa sa college? At matitiis ba ni Louie si Lia, kapalit ng tagumpay niya?

 

 

***

 

 

KITANG masayang-masaya si Kylie Padilla sa mga naglabasang photos niya matapos maging official na ang paghihiwalay nila ng asawang si Aljur Abrenica.

 

 

Aprobado naman sa ama niyang si Robin Padilla, matapos nitong linawin kay Kylie na wala siyang third party sa paghihiwalay nila.

 

 

Lumipat na rin si Kylie kasama ang dalawang anak na lalaki nila ni Aljur, sa ibang bahay, ibig sabihin ay ayaw na niya talagang makisama sa asawa.

 

 

Bago ito ay madalas na ring mabalitang hindi nagkakaintindihan sina Kylie at Aljur.  In fact, nang muling makita ni Aljur ang mga anak, sabik na raw siya dahil matagal na niyang hindi nakikita ang mga anak.

 

 

Tiyak na balik-GMA Network na si Kylie dahil balitang naka-freeze lamang ang kanyang contract na iniwan niya nang magbuntis siya sa panganay nila ni Aljur at hindi na niya natapos ang epicserye nilang Encantadia, kaya nawala ang character ni Reyna Amihan.

 

 

Nang pwede na muling bumalik si Kylie, nag-guest muna siya sa The Cure nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez, bago niya ginawa ang romantic-comedy series na Toda One I Love with Ruru Madrid, for GMA Public Affairs, pero hindi na rin ito nasundan dahil muling nagbuntis si Kylie sa second son nila ni Aljur at nahinto siya muli.

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Australia at New Zealand napiling host ng 2023 Women’s World Cup

    Napili ng FIFA ang Australia at New Zealand na maging co-host ng 2023 Women’s World Cup. Ito ang ay base sa ginawang botohan ng FIFA. Inanunsiyo ng FIFA sa pamamagitan g virtual executive council meeting kung saan 22 sa 35 na boto ang sumang-ayon sa pag-host ng dalawang bansa ng nasabing torneo.   Lumakas ang […]

  • Jullebee Ranara, inilibing na

    INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang labi ng pinatay na OFW na si Jullebee Ranara sa Golden Haven Memorial Park sa C5 Extension, Las Piñas City, Linggo, Pebrero 5.     Ayon kay Las Piñas City Police Station chief, P/Colonel Jaime Santos, nasa 20 pulis ang ipinakalat upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa […]

  • Middle class may bawas tax

    MAKAKAGINHAWA na sa susunod na taon mula sa pagbabayad ng buwis ang mga middle class.     Paliwanag ni Sen. Sonny Angara, na mananatiling chairman ng Senate committee on Finance, magbebenepisyo sa Tax Reform for Acce­leration and Inclusion Law (TRAIN Law) o Republic Act No. 10963 ang mga middle class tulad ng mga guro, ordinaryong […]