BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING, NASABAT SA CLARK
- Published on July 15, 2021
- by @peoplesbalita
NASABAT ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark Freeport Zone ang isang babae na biktima ng human trafficking na may pekeng pangalan.
Ang biktima ay pansamantalang hindi pinangalanan aklinsunod sa anti-trafficking laws, ay nagmula sa Cotabato ay tinangkang sumakay sa Qatar Airways flight No. QR 931 sa Clark International Airport at magtratrabahi bilang household service worker (HSW) sa Doha, Qatar.
Sa ulat nina Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) Officers Johnel Badua at Marc Danes Diego, na ang biktima ay sumailalim sa primary inspection hanggang secondary inspection pero nahalata ang pabago-bago niyang salaysay kung saan sinabi nitong 27 anyos na siya at mayroon na itong Philippine Overseas Employment Administration-accredited agency bilang isang HSW.
Pero sa kalaunan ay nabuking din ito hanggang sa aminin nito ang tunay na pangalan at 24-anyos lamang siya.
“These human traffickers go as far as providing their victims documents that assume the identity of others,” ayon kay BI Commissioner Jaime Morente. “This has to stop. They are taking advantage of our kababayan in the midst of a pandemic,” dagdag pa nito.
Ipinaliwanag ni Morente na ang mga nasabat na biktima ng human trafficking victims ay isinasanguni sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para maibestigahan ang kanilang recruiters at para sila masampahan ng kaso.
“We pray that cases of these victims push through so that those who victimize the vulnerable will find themselves facing the harshest penalties to finally end this modus,” ayon pa sa BI Chief. (GENE ADSUARA)
-
Aviator Игра Mostbe
Aviator Игра Mostbet Мостбет а Авиатор%3A Стратегии%2C как Играт Content Мостбет и Авиатор%3A Стратегии%2C же Играть Авиатор Игр Используйте Стратегию двойным Ставки Безопасно Ли Играть В Слот Авиатор Мостбет В Казахстане%3F “mostbet Aviator%3A Все том Правилах И процессе Игры Отличается ли Официальный Сайт от Зеркала Mostbet%3F как Пополнить Счет и Mostbet Обзор различных Стратегий Ставок […]
-
WALA PANG COVID 19 VACCINE MANUFACTURER NA NAG-AAPLY NG EMERGENCY USE AUTHORIZATION SA PILIPINAS- FDA
HANGGANG ngayon ay wala pang COVID 19 vaccine manufacturer ang pormal na nag-a-apply ng Emergecy Use Authorization o EUA sa Pilipinas. Sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Doctor Eric Domingo na bagama’t mayroon ng mga anti-COVID 19 vaccine na nabigyan ng EUA sa ibang bansa wala pang application sa FDA ng Pilipinas. […]
-
12 nanalong senador naiproklama na
IPRINOKLAMA na ng Commission on Elections na umuupo bilang National Board of Canvassers nitong Miyerkules, Mayo 18, ang 12 senador na nanalo sa nakalipas na May 9, 2022 National at Local Elections. Alinsunod sa NBOC Resolution No. 002-22, iprinoklama na sina Senators-elect Robin Padilla, Loren Legarda, Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Francis ‘Chiz’ Escudero, […]