WALA PANG COVID 19 VACCINE MANUFACTURER NA NAG-AAPLY NG EMERGENCY USE AUTHORIZATION SA PILIPINAS- FDA
- Published on December 16, 2020
- by @peoplesbalita
HANGGANG ngayon ay wala pang COVID 19 vaccine manufacturer ang pormal na nag-a-apply ng Emergecy Use Authorization o EUA sa Pilipinas.
Sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Doctor Eric Domingo na bagama’t mayroon ng mga anti-COVID 19 vaccine na nabigyan ng EUA sa ibang bansa wala pang application sa FDA ng Pilipinas.
Sinabi ni Domingo na kabilang sa anti COVID 19 vaccine na mayroon ng EUA sa United Kingdom, Bharain at China ay ang Pfizer ng Amerika, Sinovac at Sinopharm ng China.
Aniya, sa sandaling magsumite ng EUA application ang Pfizer, Sinovac at Sinopharm ay agad itong aaksyunan ng FDA panel of expert.
Sa kabilang dako, nilinaw naman ni Domingo na mapapadali ang evaluation ng FDA dahil nabigyan na ng EUA sa country of origin ang Pfizer, Sinovac at Sinopaharm na itinuturing na Matured Regulatory Agency at National Regulatory Authority.
Giit ni Domingo na mahigpit na susundin ng FDA ang guidelines for issuance of Emergency Use Authorization na nakapaloob sa Executive Order 121 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan ang aplikanteng vaccine manufacturer ay mayroong valid licence to operate, good manufacturing practice at mayroong safety and efficacy data. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Nagpasalamat sa mga patuloy na nagdarasal: KRIS, nag-post ng Christmas message at nag-update sa health niya
KINATUWA tiyak ng mga nagmamahal kay Kris Aquino ang muling pagbabalik ni Kris sa social media. Tiyempo pa namang Pasko nang mag-post muli si Kris sa kanyang IG account, isang buwan mula noong huli siyang naging aktibo sa kanyang IG account. Update na may kinalaman sa post niya a month ago […]
-
Tuloy ang pagpapatupad ng mga programa at polisiya sa AFP
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Council of Sergeants Major na magpapatuloy ang mga ipinatutupad ng mga programa at polisiya na naglalayong i-promote ang kapakanan ng mga ito at ng kanilang pamilya. Sa naging talumpati ng Pangulo sa idinaos na taunang ‘traditional dinner’ para sa […]
-
Halos $4b investment pledges at daan- daang libong trabaho, posibleng pumasok sa Pinas
POSIBLENG pumasok sa Pilipinas ang $4 bilyong halaga ng investment at daan- daan libong trabaho kasunod ng 6-day working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos. Sa isang kalatas, sinabi ng Malakanyang na ang business agreements at commitments na nasungkit ng Pangulo sa Estados Unidos ay tinatantiyang may investment value na […]