Pagbasura sa board exams? Philippine Nurses Association, pumalag
- Published on July 15, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi sang-ayon ang Philippine Nurses Association (PNA) sa mungkahi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ibasura na ang pagbibigay ng licensure examinations.
Ayon sa PNA national president na si Melbert Reyes, agad ibinasura ng Board of Nursing ang nasabing proposal dahil kailangan na mapanatili ang competency ng mga health professionals sa bansa.
Iginiit ni Reyes na buhay ng tao ang hinahawakan nila kaya naman hindi dapat bumaba ang kalidad ng mga health professionals na mayroon ang Pilipinas.
Kung titingnan, ang mga board exams ay nagsisilbi nga rin bilang check and balance para kalidad ng edukasyon ng isang indibidwal.
Unang pinalutang ni Bello ang ideya na ibasura na lamang ang pagbibigay ng licensure examination para sa mga nurse, abogado, at iba pa, dahil sa malaking financial cost ng pag-aaral at pagkuha ng boards.
Ang mahalaga lamang aniya ay graduate sa isang institusyon na accredited ng Commission on Higher Education ang isang estudyante.
-
Ads August 31, 2021
-
Public consultation ukol sa panukalang Maharlika Wealth Fund Act
MULING nagsagawa ang House Committee on Banks and Financial Intermediaries na pinamumunuan ni Manila Rep. Irwin Tieng ng konsultasyon para sa panukalang “Maharlika Wealth Fund Act” (MWFA). Nakapaloob sa House Bill 6398 na maglaan ng pondo para sa anumang investments na gagawin ng mga Government Financial Institutions (GFIs), tulad ng Government Service Insurance […]
-
Ads November 29, 2021