Obiena papalitan bilang flag bearer sa Tokyo Games
- Published on July 15, 2021
- by @peoplesbalita
Sa inilabas na direktiba ng Tokyo Olympic Games Organizing Committee (TOGOC) ay kailangang nasa Japan na ang mga flag bearers 48 oras bago ang opening ceremonies sa Hulyo 23.
Dahil dito ay inaasahang papalitan ng Philippine Olympic Committee (POC) si national pole vaulter Ernest John Obiena bilang isa sa dalawang flag bearers ng Team Philippines.
Nakatakdang dumating ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa Tokyo sa araw mismo ng opening ceremonies.
“Nire-require na ang mga flag bearers natin na dapat nandoon (Japan) na sila 48 hours before,” wika kahapon ni POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa online edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum. “Ang dating ni EJ is 2:30 ng 23.”
Bukod kay Obiena, hinirang din ng POC si Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe bilang flag bearer ng delegasyon.
“With that, ipinaalam ko na sa athletics (association) na baka at malamang mapalitan ang flag bearer natin because of the recent development sa Tokyo,” wika ni Tolentino kay Obiena.
Inaasahang ihahayag ng POC ang kapalit ni Obiena ngayong araw.
Sina Obiena at Watanabe ay kabilang sa 19 national athletes na pupuntirya sa kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa.
-
SHARON, may bonggang birthday message kay Rep. VILMA; role sa ‘FPJAP’ posibleng may kaugnayan kina JULIA at ROWELL
BILANG certified Vilmanian, hindi talaga puwedeng hindi babatiin ni Megastar Sharon Cuneta ang nag-iisang Star For All Seasons at Lipa City Representative na si Vilma Santos-Recto na nag-celebrate ng 68th birthday noong November 3. Pinost ni Sharon sa kanyang Instagram ang birthday message kalakip ng old photo ni Ate Vi, “Recently I saw […]
-
Korean singer na si Chung Ha at dalawang staff, nagpositibo sa COVID-19
NAKASAILALIM sa self-quarantine ang South Korean singer na si Chung Ha. Ito ay makaraan na dalawa sa kanyang staff ang magpositibo sa COVID-19 pagkatapos ng kanilang show sa Italy. Sa pahayag ng MNH Enter-tainment, katatapos lamang mag-show sa Italy ni Chung Ha at pagbalik ng South Korea, dalawa sa kanyang staff ang nagpositibo sa […]
-
Volume ng mga sasakyan sa NCR, sobra na- MMDA
SOBRA na ang volume o dami ng mga sasakyan sa National Capital Region (NCR). Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Romando Artes na para sa taong 2021 lamang ay mayroon ng 300,000 karagdagang sasakyan sa bansa o hanggang 70% na bumabagtas sa Kalakhang Maynila. “Sobra na po ang volume […]