• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HIRIT NI CAYETANO NA MAGBITIW SA PUWESTO, TINANGGIHAN NG MGA KONGRESISTA

TINANGGIHAN ng mga kongresista ang hiling ni Speaker Alan Peter Cayetano na magbitiw bilang lider ng mababang kapulungan ng Kongreso.

 

Sa botohang naganap, 184 kongresista ang nagsabing tutol sila sa pagbibitiw ni Cayetano bilang Speaker ng Kamara, 1 naman ang pumabor at 1 abstention.

 

Sa kanyang privilege speech sinabi ni Cayetano na hindi siya indispensable bilang pinuno ng Kamara kaya magbibitiw na lamang siya sa puwesto.

 

Ginawa ito ni Cayetano isang araw matapos na sabihan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na galangin ang term-sharing agreement nila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

 

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Cayetano na iginigiit ni Velasco na handa na ito na maupo bilang lider ng Kamara kaya panahon na rin marahil para patunayan niya ito.

 

Pero pagkatapos ng kanyang talumpati, kaagad na tumayo si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at iginiit na hindi niya matatanggap ang resignation ni Cayetano.

 

Matapos na ipahayag ang kanyang suporta, kaagad na nag- mosyon si Defensor na huwag tanggapin ang alok na resignation ni Cayetano, na sinegundahan naman ni Bulacan Rep. Jonathan Sy Alvarado.

 

Idinaan sa viva voce voting ang naturang mosyon pero kalaunan ay ginawang nominal voting sa pag-giit na rin ni Defensor.

 

Base kasi sa Section 13, Rule III ng House Rules, anumang leadership post sa Kamara – kabilang na ang speakership post, ay maikukonsidera lamang bakante sa oras na ang naturang opisyal ay mamatay, magbitiw sa puwesto o hindi na kayang gampanan ang kanyang mandato. (Ara Romero)

Other News
  • MRT-3, nakapagsilbi sa higit 281K pasahero

    INIULAT  ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na umaabot sa kabuuang 281,507 ang mga pasaherong kanilang napagserbisyuhan sa unang araw ng implementasyon ng kanilang isang buwang libreng sakay program nitong Lunes, Marso 28.     Ayon sa MRT-3, ito na ang pinakamataas na bilang ng mga commuters na sumakay ng tren simula […]

  • No. 24 sa jersey nina Ravena, Manuel aprub sa PBA

    PINAYAGAN na sina Vic Manuel at Kiefer Ravena ng PBA na baguhin ang kanilang jersey number sa pagsisimula ng season-opening ng Philippine Cup bilang tribute sa kanilang idolong si Kobe Bryant.   Sinabi ni Commissioner Willie Marcial na dapat magsabi ang mga manlalaro at ibang mother ballclubs sa liga tungkol sa plano nilang pagpapalit upang […]

  • Tinalbugan ang lahat at solo na naman: KIM, nagpadala ng food truck sa iniidolong si Cha Eun Woo

    TINALBUGAN ni Kim Domingo ang lahat.  Nag-solo lang naman ito. Nagpadala ng food/coffee truck si Kim sa filming set ng bagong K-drama ng iniidolong Korean actor/Astro member na si Cha Eun Woo. Ipinadala ni Kim ang food truck sa set ng “A Good Day to be a Dog” kaya ang banner sa food truck niya […]