• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 24 sa jersey nina Ravena, Manuel aprub sa PBA

PINAYAGAN na sina Vic Manuel at Kiefer Ravena ng PBA na baguhin ang kanilang jersey number sa pagsisimula ng season-opening ng Philippine Cup bilang tribute sa kanilang idolong si Kobe Bryant.

 

Sinabi ni Commissioner Willie Marcial na dapat magsabi ang mga manlalaro at ibang mother ballclubs sa liga tungkol sa plano nilang pagpapalit upang makagawa ng adjustment bago ang season opener.

 

“I-notify lang nila ng mas maaga yung liga para mailagay sa official roster yung bagong jersey number nila,” pahayag ni Marcial.

 

Dagdag nito, dapat makipag-ugnayan ang PBA properties at mother ballclubs nina Ravena at Manuel tungkol sa naturang pagpapalit upang makagawa ng adjustments lalo na sa team merchandise.

 

Dala ni Manuel ang No. 87 na numero sa Aces bilang tribute sa kanyang anak na ipinanganak noong Agosto 7 habang No. 15 naman ang ginagamit ni Ravena mula pa noong high school ito.

 

Buong pagmamalaki namang ipinakita ni Manuel ang No. 24 na jersey na isinuot niya sa katatapos lang na Phoenix Super Basketball Tournament.

 

“Ito na suot ko na ‘yung (no.) 24. Binigyan na ako ng no.24. Sinabi ko na kay coach Franco (Atienza) at management na magpapalit ako ng numero,” pahayag nito.

 

“Sobrang idol ko kasi yun si Kobe,” dagdag pa ni Manuel na ikatlong beses nang nagpalit ng jersey number.
Dati na nitong sinuot ang No. 4 para sa Aces ngunit pinalitan niya ito ng 87 dahil palagi umano siyang nai-injure kapag ginagamit niya ito sa Aces. (REC)

Other News
  • Nag-enroll para sa pasukan ngayong school year nasa 22.5-M na – DepEd

    PUMALO na sa 22.5 million ang mga nag-enroll bago ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.   Ayon kay DepEd USec. Tonisito Umali, ang naturang bilang ay 99.68 percent na bilang na nakuha mula sa school year 2019 -2020.   Aniya, nasa 2.5 hanggang 3.5 milyong estudyente naman ang hindi nakapag-enroll ngayong school year 2020 […]

  • Ukrainian President Zelensky iginiit na hindi natatakot sa anumang bansa

    IGINIIT ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na hindi sila natatakot sa anumang bansa.     Sinabi nito na marami silang mga kaalyadong bansa na handang tumulong.     Reaksyon ito sa naging anunsiyo ni Russian President Vladimir Putin na tila inaampon na nila ang dalawang breakaway region ng Ukraine ang Donetsk at Luhansk.     […]

  • Philippine Multisectoral Nutrition Project, ipapatupad sa 235 LGUs – DSWD

    IPATUTUPAD ang Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) sa 235 local government units (LGUs) na may pinakamataas na pasanin ng childhood stunting at undernutrition, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).     Sa ilalim ng proyekto, ang mga kalahok na munisipalidad ay tatanggap ng mga support package mula sa Philippine Multisectoral Nutrition Project […]