Travel ban sa Indonesia inutos ni Duterte
- Published on July 16, 2021
- by @peoplesbalita
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang travel ban sa Indonesia dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mas nakakahawang Delta variant doon.
Ang travel ban sa Indonesia ay magsisimula ng 1 AM araw ng Huwebes at magtatapos hanggang sa Hulyo 31.
Lahat ng may biyahe mula sa Indonesia sa nakalipas na 14-araw ay hindi papasukin sa Pilipinas.
Habang ang mga pasahero na naka-transit na galing sa naturang bansa at lahat ng mga paparating na naririto na bago mag-12:01 ng Hulyo 16 ay papasukin sa bansa subalit kailangan nilang sumailalim sa 14-day facility quarantine at kailangan din sumailalim sa negative RT-PCR test.
Una nang pinalawig ang travel ban hanggang Hulyo 31 sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman na kinakitaan din ng pag-atake ng Delta variant.
Kasalukuyang nakararanas ang Indonesia ng ‘surge’ dahil sa Delta variant. Nitong Martes, record-high na 47,899 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa naturang bansa dahilan para magkaroon na ng kakapusan sa suplay ng oxygen sa naturang bansa.
Nais ng Pilipinas na maiwasan ang kahalintulad na krisis sa Indonesia makaraang makapagtala na ng 19 na kaso ng Delta variant ang bansa na pawang mga biyaherong Pilipino. (Daris Jose)
-
POC sinuspendi ang PATAFA dahil ginawang panggigipit kay EJ Obiena
Sinuspendi ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) dahil sa ginawang panggigipit kay Pinoy pole vaulter EJ Obiena. Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na nabigo ang PATAFA na gampanan ang kanilang trabaho bilang National Sports Association (NSA). Nakasaad aniya sa konstitusyon […]
-
487K AstraZeneca vaccines darating sa Pinas
Darating sa Pilipinas ang 487,200 bakuna mula sa AstraZeneca. Ito ang inanunsiyo ni Sen. Bong Go na sinabing sasalubungin nila ito (Marso 4, Huwebs) ni Pangulong Rodrigo Duterte dakong alas-7 ng gabi sa Villamor Airbase. Ang nasabing bakuna ay mula sa COVAX facility. “This is to confirm that the initial […]
-
ARTA Chief Lauds BOC for Efforts Against Red-tape
THE Bureau of Customs (BOC) was recognized by the Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director-General Jeremiah B. Belgica during his visit to the BOC yesterday, February 26, 2020, for its efforts to simplify frontline processes, automate systems and implement a zero-contact policy in compliance with ARTA’s thrust to reduce red tape and expedite government processes. […]