• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, ibeberipika muna ang ulat na ginagawang “kubeta” ng mga barko ng China ang WPS

“We need to verify first because that is just a report.”

 

Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa ulat na ginagawang kubeta o tapunan ng mga ‘human waste’ o dumi ng tao ng mga barko ng China ang West Philippine Sea.

 

Sinabi ni Sec.Roque na hindi maingat kundi kailangan na maging responsable lamang ang pamahalaan na sagutin ang mga bagay na gaya nito.

 

“Tingnan muna natin kung may katotohanan dahil kung wala naman eh di tayo naman ang mapapahiya,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Dapat i-verify muna bago pumutak. Noong na-verify naman po natin na nag-export ng basura ang Canada sa atin,  pinabalik naman natin ang basura sa Canada. No IFs, no BUTs,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

“So, matagal na po tayong naninindigan na hindi basurahan at siyempre hindi kubeta ang Pilipinas,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, mariing kinondena ng mga senador ang ulat hinggil sa pagtatapon umano ng mga barko ng China na ‘human waste’ o dumi ng tao sa West Philippine Sea.

 

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, dapat imbestigahan at kung may sapat na basehan, dapat kasuhan ang mga ito sa korte.

 

“The Department of Environment and Natural Resources should investigate this, and if there is basis, file charges in court. Government cannot fine sidewalk litterers while turning a blind eye to this,” sabi ni Recto sa isang statement

 

Ayon naman kay Senadora Grace Poe, ang ginawa ng China ay tahasang insulto hindi lamang sa ating soberanya kung hindi maging sa lahat ng umaasa ng kabuhayan mula sa karagatan.

 

“Hindi ito gagawin ng kahit sinong matinong kapitbahay. This adds insult to injury. We are not the dumping site of any country, let alone by a nation laying claims on our territory,” reaksiyon ni Poe.

 

“Dapat makumpirma iyan ng sarili nating gobyerno para may sarili din tayong datos sa kung ano na nga ba ang patuloy na sinisira ng Tsina sa ating karagatan. Kalakip dito, dapat patuloy din ang ating panawagang paalisin na ng Tsina ang kanilang mga barko,” ayon naman kay Sen. Risa Hontiveros.

 

Iginiit naman ni Senador Panfilo Lacson na kumpirmahin muna ng pamahalaan ang nasabing ulat bago aksiyunan.

 

“Aside from being a serious and sensitive issue to resolve, it involves an Asian neighbor with whom we have at least 5 decades of diplomatic relations,” ani Lacson. (Daris Jose)

Other News
  • Ads January 22, 2021

  • ‘OPLAN Kaluluwa’ ikinasa na ng PNP bago ang All Souls and All Saints Day

    PINAGANA na ng Philippine National Police (PNP) ang OPLAN kaluluwa kahit nasa pandemiya pa ang bansa.   Ito ay bahagi ng preemptive measure sa mga sementeryo na dinagsa na ng publiko bago ang pagsasara sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4.   Paliwanag ni PNP Chief, Gen. Camilo Cascolan, hindi mapipigilan ang publiko sa pagdalaw sa […]

  • Aminadong ‘di talaga pang-showbiz: Rep. CAMILLE, isa rin sa na-hook at umiyak sa ‘Queen of Tears’

    AMINADO si Las Piñas Rep. Villar na hindi updated sa balitang showbiz, kaya siya raw makikitsismis, say niya sa mga nakatsikang press sa um-attend na pinatawag na get together.     Pero in na in siya sacsikat na Korean series, na tulad ng mga stars ay hook na hook rin siya sa panonood ng pinag-uusapang […]