• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘OPLAN Kaluluwa’ ikinasa na ng PNP bago ang All Souls and All Saints Day

PINAGANA na ng Philippine National Police (PNP) ang OPLAN kaluluwa kahit nasa pandemiya pa ang bansa.

 

Ito ay bahagi ng preemptive measure sa mga sementeryo na dinagsa na ng publiko bago ang pagsasara sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4.

 

Paliwanag ni PNP Chief, Gen. Camilo Cascolan, hindi mapipigilan ang publiko sa pagdalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay kaya asahan na may mga magbibiyahe kaya inatasan na niya ang Highway Patrol Group na tiyakin ang kaligtasan ng motorista.

 

Inalerto na rin ni Cascolan ang kaniyang mga regional at provincial directors upang matiyak ang kapayapaan sa kanilang mga nasasakupan lalo na’t inaasahan ang maraming lalabas para sa maagang pagdalaw sa sementeryo.

 

Inatasan na rin ang Barangay Enforcement Teams at marshall upang magsekyur ng paligid.

 

Para sa mabilis na pagdulog sa pulisya sakaling maitala ang hindi inasahang pangyayari, ipinatayo na rin ni Cascolan ang mga assistance desk sa lahat ng strategic areas ng mga highway kasama na ang paligid ng sementeryo.

 

At para naman sa mabilis na responde, pinaalerto na rin ni Cascolan sa chief of police ang Barangay Peacekeeping Action Teams na siyang magroronda sa kanilang nasasakupan.

Other News
  • Filipinas, kampeon sa 2022 AFF Women’s Championship vs Thailand, 3-0

    NAG-KAMPEON ang Filipinas, matapos maka-goal ng tatlong ulit sa AFF Women’s Championship laban sa Thailand.     Ang unang goal ay naipasok ni Jessika Cowart sa pamamagitan ng header sa seventh minute.     Ang ikalawa naman ay naipasok ni Katrina Guillou sa 20th minute ng laro.     Habang ang ikatlo ay naipasok sa […]

  • Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, wagi ng ginto sa FIABCI’s National and World Prix d’Excellence Awards

    LUNGSOD NG MALOLOS – Nasungkit ng “Farmers/Fisherfolks Training Center” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang gintong tropeo bilang 2022 Outstanding LGU Project – Public Infrastructure Category sa ginanap na FIABCI-Philippines Property and Real Estate Excellence Awards kamakailan sa Mindanao Ballroom, Sofitel Philippine Plaza Hotel sa CCP Complex, Roxas Boulevard, Lungsod ng Pasay, Maynila.     […]

  • Marcial ingat na magkasakit

    DESIDIDONG makasungkit ni Eumir Felix Marcial ng unang ng gold medal ng Pilipinas sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang sa parating na Hulyo 23-Agosto 8 sanhi ng pandemya.     Kaya triple ang pag-iingat niyang ginagawa upang mapanatiling mabuti ang kalusugan at hindi maudlot ang paghahanda sa nasabing pinakamalaking paligsahan […]