• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kalituhan sa payment scheme, sanhi ng trapik sa Skyway 3

Ang kalituhan sa payment scheme o paraan ng pagbabayad ng toll ang naging sanhi nang pagkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko sa Skyway Stage 3 noong Lunes.

 

 

Ayon kay Manuel Bonoan, pangulo at CEO ng Skyway Operations and Maintenance Corp., ang masikip na daloy ng trapiko ay nagsimula sa unang araw nang panini­ngil nila ng toll fee sa mga motorista na dumaraan sa expressway kamakalawa.

 

 

Aniya, nagkaroon kasi ng kalituhan ang mga motorista at inakalang maaari nilang gamitin ang kanilang Easytrip sa paggamit sa naturang elevated expressway.

 

 

“May mga kalituhan sa motorista kasi first day,” ani Bonoan. “Maraming moto­rista na tumuluy-tuloy at ang dala nila ay ‘yung Easytrip nila and they thought na pupuwedeng gamitin dito sa Stage 3.”

 

 

Nabatid na ang Skyway Stage 3 at iba pang expressways sa southern part ng Metro Manila ay gumagamit ng Autosweep, na isang brand ng radio-frequency identification (RFID) habang ang mga expressways naman sa norte ay gumagamit ng Easytrip, na isa pang brand ng RFID

 

 

“Hindi nila alam na hindi puwedeng gamitin kasi wala pa kaming interoperability,” paliwanag pa ni Bonoan.

 

 

Sinabi naman ni Bonoan na habang nasa proseso pa ang mga expressway operators ng pagsasapinal ng protocols para sa interoperabi­lity, dinagdagan na lamang ng Skyway ang bilang ng mga personnel na nagkakabit ng Autosweep stickers sa mga sasakyan, na nais gumamit ng naturang elevated structure. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • PRAYER RALLY SA COMELEC, GINAWA

    PINANGUNAHAN  ni Fr.Robert Reyes ang prayer rally kasama ang ilang grupo sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections  sa Intramuros, Maynila ngayong Miyerkules upang ipagdasal na maisagawa ng mga nakaupo ang patas at malinis na halalan sa Mayo 9.     Partikular na ipinagdasal ni Fr. Reyes kasama si Fr. Flavie Villanueva at mga […]

  • Validity ng student permits, driver’s licenses pinalawig ng LTO hanggang Marso 31

    Pinalawig pa ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng student permits, pati na rin ang lisensya ng mga drivers at konduktor, hanggang Marso 31.   Ang extension na ito ay valid para sa mga indibidwal na may edad na 17 hanggang 20-anyos, pati na rin sa mga 60 pataas.   Ang student permit at […]

  • First four official entries ng MMFF 2022, inilabas na: VICE at COCO, muling magtatapat sa takilya at lalaban din si IAN at TONI

    SA Christmas season, tiyak na ‘Balik Saya’ na naman ang 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) na kung saan inilabas na ang first 4 official entries.     Kinabibilangan ng first 4 MMFF 2022 official entries na base sa script submission:   1. LABYU WITH AN ACCENT (ABS-CBN Productions, Inc) Director: Rodel P. Nacianceno, Writer: […]