• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 laro ang magbubukas sa PBA Philippine Cup

TATLONG sultada ang magtataas ng kurtina sa 46th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2021 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City sa Biyernes Hulyo 16.

 

 

Sinapubliko ng professional hoop league Huwebes ang skedyul makaraang walang magpositibo sa Covid-19 base sa RT-PCR tests ng 10 team at mga tauhan ng liga na ginawa noong Martes.

 

 

Alas-11:00 nang umaga ang pambungad na seremonya na pangungunahan nina Commissioner Wilfrido Marcial at chairman Victorico Vargas ng Talk ‘N Text.

 

 

Binyagan agad sa alas-12:30 nang tanghali ang Alaska Milk at Blackwater, sa alas-3:00 nang hapon ang Rain or Shine at North Luzon Expressway, at sa alas-6:00 nang gabi ang Manila Electric Company at NorthPort.

 

 

Tututukan sa Aces si veteran Jeron Teng at ang mga bagitong sina Ben Adamos at Taylor Browne, habang sa Bossing sina rookie Rey Mark Acuno, Joshua Torralba at Andre Paras.

 

 

Sina Kiefer Isaac Ravena, Kevin Louie Alas at rookie Calvin Oftana ang mamumuno sa Road Warriors sa Elasto Painter na gigiyahan nina Beau Belga, Gabe Norwood, Javee Mocon, James Yap at Rey Nambatac, at bagong saltang si Santi Santillan.

 

 

Mangunguryente naman sa Bolts sina Aaron Black at Chris Newsome, newbie Alvin Pasaol at sa Batang Pier si Gregory William  Slaughter.(REC)

Other News
  • NAVOTAS MULING NASUNGKIT ANG UNMODIFIED OPINION MULA SA COA

    SA ika-siyam na magkakasunod na taon, muling nasungkit ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang “unmodified opinion” mula sa Commission on Audit (COA) na binibigyang-diin ang hindi natitinag na pangako ng lungsod sa financial transparency and accountability.         Natanggap ni Mayor John Rey Tiangco nitong Lunes ang ulat ng COA mula kay Percival […]

  • PDu30, kinalampag ang mga govt agency na mag-implementa ng cashless payment systems sa pampublikong transportasyon

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga ahensiya ng pamahalaan na mag-implementa ng cashless payment systems sa pampublikong transportasyon.   Sa public address ni Pangulong Dutere, Lunes ng gabi ay sinabi nito na gawing free of charge o libre ang beep cards sa mga mananakay. Nilinaw ng Pangulo na tanging ang card na ipamamahagi […]

  • Premium seats ng ‘One Last Time’ sold out na: GARY, kumpirmadong maggo-goodbye na sa big concert venues

    OPISYAL nang inanunsyo ng legendary Filipino-Puerto Rican performer at inspirational icon na si Gary Valenciano, na kilalang-kilala din bilang Mr. Pure Energy, ang kanyang upcoming project na pinamagatang ‘Pure Energy: One Last Time’ noong Disyembre 21, 2023 sa pamamagitan ng isang simpleng post.  Marami ang na-excite sa kanyang announcement sa social media at marami rin […]