PDu30, kinalampag ang mga govt agency na mag-implementa ng cashless payment systems sa pampublikong transportasyon
- Published on October 7, 2020
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga ahensiya ng pamahalaan na mag-implementa ng cashless payment systems sa pampublikong transportasyon.
Sa public address ni Pangulong Dutere, Lunes ng gabi ay sinabi nito na gawing free of charge o libre ang beep cards sa mga mananakay. Nilinaw ng Pangulo na tanging ang card na ipamamahagi ang free of charge.
Babayaran aniya ng mga mananakay ang pamasahe.
“Give the card free,” giit ng Pangulo.
Sa ulat, tutol din umano si Pangulong Duterte sa paniningil para magkaroon ng Beep cards na pamalit sa pagbabayad ng pamasahe sa pagsakay sa mga bus sa EDSA Busway.
Inihayag ito ni presidential spokesperson Harry Roque matapos iutos ni Department of Transportation (DOTr) na suspendihin ang sapilitang paggamit ng Beep cards simula ngayong Lunes matapos tumanggi ang kompanyang nag-o-operate ng automatic fare collec- tion system na ibigay ang mga card nang libre sa mga pasahero.
“Ang pagkakaalam ko po ang naging damdamin ni Presidente ay tutol din siya diyan sa binabayaran na Beep card at marahil po isa ito sa dahilan kung bakit sinuspindi muna iyong paniningil para sa Beep card,” sabi ni Roque sa press briefing sa Boracay.
“Nahabag po talaga ang Presidente doon sa isang balita na maraming mga naghihirap nating mga kababayan ang nagulat at dahil ang pera nila ay sapat lamang sa pamasahe at sa pagkain para sa araw na iyon,” dagdag pa niya.
Sinabi ng DOTr na maaari na muling magbayad ng “cash” na pamasahe ang mga pasahero na sasakay ng bus sa EDSA.
“Itong pagsuspinde ng gamit ng Beep card altogether ay patunay na nakikinig ang gobyerno sa taumbayan at may puso itong administrasyon na ito,” sabi ni Roque.
Una rito, ipinatupad ng DOTr ang “no Beep card, no ride” policy sa mga bus para mawala ang “contact” ng pasahero at driver (o konduktor) para maiwasan ang hawahan ng COVID-19.
Pero nasorpresa ang maraming pasahero nang malaman nilang kailangan nilang maglabas ng P180 para magkaroon ng Beep card na halagang P80, at paunang load of P100.
Iginiit ng DOTr na dapat ilibre na ng operator na AF Payments Inc. ang Beep cards.
Gayunman, iginiit ng kompanya na walang silang kinikita sa presyo ng card at direkta itong napupunta sa gumagawa.
Kasunod nito, nagbabala ang DOTr na maghahanap ang EDSA Bus Consortia ng ibang kompanya na makapagbibigay ng mahusay na serbisyo sa biyahe sa EDSA.
Sa televised briefing nitong Lunes ng gabi, nilinaw naman mismo ni Duterte na tanging ang card lamang ang malilibre pero kailangan pa rin ng mga pasahero ang maglagay ng “load” na pamasahe sa card. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
LTO: Processing ng drivers’ licenses patuloy pa rin sa gitna ng kakulangan ng plastic cards
PATULOY pa rin ang pag proseso ng mga drivers’ licenses ng mga bagong aplikante sa gitna na kakulangan ng supply ng plastic cards. Ito ang sinabi ni Land Transportation Office (LTO) assistant secretary at chief Jay Art Tugade matapos niyang ipagutos ang extension ng validity ng mga drivers’ licenses na nag expire noong April 24 […]
-
Ads February 22, 2021
-
‘I am excited about the first day’ – Durant
‘Excited’ na raw na muling makabalik sa game ang NBA superstar na si Kevin Durant sa ilalim ng bagong team na Brooklyn Nets. Ayon sa two-time NBA Finals Most Valuable Player at 2014 NBA MVP, sabik na siyang muling tumuntong sa court at sa maisuot ang kanyang jersey. Kung maalala 2019 nang dumanas […]