• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAINE, may ni-reveal sa mga co-hosts na sina JOSE, WALLY at PAOLO; nagpasalamat sila ni ALDEN sa ‘AlDub Nation’

MAY mga revelations si phenomenal star Maine Mendoza sa fourth episode ng Celestified vlog ni Celeste Tuviera, hairdresser ni Maine. 

 

 

This time, naikuwento ni Maine ang samahan nila ngayong pandemic ng mga co-hosts niya sa Eat Bulaga!, na sa kabila ng mga pinagdaraanan natin ngayon ay patuloy silang nagpapasaya sa mga noontime viewers ng show.

 

 

Lima raw lamang silang palit-palit nagho-host ng EB, si Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Alden Richards. Bunutan pala sila kung sino ang magho-host ng segment nilang “Bawal Judgmental.”

 

 

Kaya raw kailangang handa sila sa pagharap sa mga contestants, kung paano  sila magtatanong na hindi makasasakit ng damdamin.

 

 

Inamin ni Maine na ang JoWaPao ay malaki ang naitulong sa kanya dahil since pumasok siya sa EB six years ago, sila talaga iyong mga una niyang nakasama, humahanga siya sa wisdom ni Jose sa pagho-host; si Wally naman ang kanyang BFF sa tatlo; si Paolo raw parang may wall, pero kapag may problema siya, alam nito kung paano siya patawanin.

 

 

May group chat silang apat sa Facebook every Wednesday, except si Jose dahil wala itong Facebook account, at doon madalas siyang humingi ng advices sa kanila.

 

 

Last July 16 ay 6th anniversary na ng AlDub at ng AlDub Nation. Wala mang magarbong celebration, hindi pa rin nakalimot ang mga true-blooded ADN nina Alden at Maine, this time, nagkaroon sila ng community pantry sa pangalan ng dalawa, supported ng mga ADN’s abroad.

 

 

Kaya naman ang laki ng tuwa nila nang parehong mag-tweet ng pasasalamat ang dalawa. Si Alden: “Happy Anniversary Aldub Nation! Parang kailan lang ang lahat. Maraming salamat sa inyo. #ALDUBatADN6Years.”

 

 

At si Maine: “Maraming salamat sa mga patuloy na nagmamahal at sumusuporta #ALDUBatADN6Years.”

 

 

***

 

 

MARAMI nang nagtatanong kung ano na ang susunod na mangyayari sa story ng The World Between Us dahil parang nagkakalabuan na ang relasyon nina Louie (Alden Richards) at Lia (Jasmine Curtis-Smith), at papasok na raw ang character ni Sid Lucero.

 

 

Ano kaya ang character na gagampanan ni Sid?

 

 

It seems ito na ang pinaghahandaan ni Alden na changes sa kanyang character, sa mas magandang role na gagampanan niya sa serye. Balitang sa meeting pa lamang nila tungkol sa story ng serye ay sinabi na nila kay Alden ang requirements nila sa pagganap niya bilang si Louie, mula sa wardrobe hanggang sa looks niya, iba sa napapanood natin ngayon sa kanya gabi-gabi, at sa mga roles na una niyang ginampanan.

 

 

Isa na naman kayang bagong achievement ito ni Alden sa pagganap niya sa The World Between Us na dinidirek ni Dominic Zapata na napapanood gabi-gabi after 24 Oras.

 

 

***

 

 

NAGSIMULAnang mag-trabaho si Mr. Johnny Manahan or Mr. M as consultant sa GMA Network at sa mga shows nila.

 

 

Umupo na siya sa screening panel sa auditions na isinasagawa nila online, na sininumulan ng network simula ng pandemic last year, sa pamamagitan ng kanilang official website.

 

 

 

Isa na rito ang final week Online Audition ng The Clash Season 4 na tatagal na lamang hanggang sa July 23. Kaya ang mga gusto pang sumali sa audition, pwede pa kayong mag-submit ng inyong mga entries bago ang deadline.

 

 

Malapit nang simulan ang The Clash Season 4 sa paghahanap nila ng next phenomenal Kapuso singing sensation. Sina Christian Bautista, Lani Misalucha at Ai Ai delas Alas pa rin ang magiging judges ng singing competition.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Pag-angkat ng asukal sa ibang bansa tuloy pa rin, maaring sa Oktubre na – PBBM

    BINIGYANG  linaw ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na mag-aangkat pa rin ang bansa ng mga asukal mula sa ibang bansa.     Sinabi nito bilang siya rin ang kalihim ng Department of Agriculture (DA) na ang nasabing bilang ay mas mababa kumpara sa dating 300,000 metric tons na panukala.     Maaring mayroon lamang […]

  • Ateneo, La Salle muling magtutuos!

    MULING magkukrus ang landas ng mortal na magkaribal na Ateneo de Manila University at De La Salle University sa pagsisimula ng second round ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 men’s basketball tournament ngayong araw sa Mall of Asia Arena.     Nakatakda ang bakbakan ng Blue Eagles at Green Archers sa […]

  • Sobrang nag-benefit ang mga artista: EULA, blessed na na-experience ang first collab ng GMA at ABS-CBN

    KASAMA nga si Eula Valdes sa ensemble cast ng first-ever collaboration ng GMA Network at ABS-CBN Entertainment, ang “Unbreak My Heart” na napapanood na ngayon sa GMA Telebabad , Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV ng 11:25 p.m.       Pinagbibidahan ito nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap […]