Bong Go, dumalo sa PDP-Laban national assembly kasama si PRRD
- Published on July 20, 2021
- by @peoplesbalita
NAGBIGAY ng payo si Senator Christopher “Bong” Go laban sa anumang pagkakawatak-watak sa ruling party, Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan.
Muling nanawagan si Go sa mga kapartido na magkaisa at manatil sa likod ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“Inaasahan ko na darating ang panahon na magkakasundo ang partido at patuloy (ang PDP-Laban) na maging ruling party. In fact, sa Senado (at Lower House) kami ang majority party. Sayang naman kung magkahati-hati kami … Ang daming governors, mayors at councilors. Mahigit 100,000 na ang mga miyembro,” pagsisimula ni Go sa isang phone interview bago pa personal na dumalo sa PDP-Laban national assembly sa Royce Hotel sa Clark Freeport Zone, Pampanga, araw ng Sabado, Hulyo 17.
“Umpisa po, iilan lang ang miyembro. Nang nanalo si Pangulong Rodrigo Duterte, marami ang sumama. Naniniwala ako na kaya sila nandiyan ay dahil naniniwala sila sa liderato ng Pangulo. Sana maayos ang gusot … Nananawagan rin ako kay Senator Koko Pimentel at Senator Manny Pacquiao na sana maayos itong gusot,” ang apela ni Go.
Sa idinaos naman na national assembly, iginiit din ni Pangulong Duterte ang pangangailangan para sa “united front” sa hanay ng mga miyembro nito upang makamit ang “overarching goal” ng partido na lalo pang mapabuti ang kapakanan ng mga mamamayang Filipino.
Hinikayat din ng Punong Ehekutibo ang mga ito na magsama-sama na suportahan ang administrayson sa iisang layunin at pagsisikap nito na labanan ang korapsyon, kahirapan at COVID-19 pandemic.
“Your presence here sends a clear and resounding message to everyone that our party is as strong as ever and that we are united in further consolidating our ranks until the end of my term and beyond,” ayon sa Pangulo.
“Despite all the challenges we are facing, your unwavering support for this administration’s priorities, especially our campaigns against illegal drugs, terrorism, corruption and poverty, is truly reassuring. I am grateful for PDP-Laban’s continuous trust and confidence in my leadership. I also deeply appreciate your commitment to support whatever my decision may be for the 2022 national elections,” pagpapatuloy ni Pangulong Duterte.
At nang tanungin kung kinukunsidera ba niya ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa 2022 elections muli ay iginiit ni Go na wala siyang interest dahil nananatiling nakatuon ang kanyang pansin sa paglilingkod sa mga mamamayang Filipino sa pamamagitan ng pagsuporta sa pandemic response at pagkilos na maisulong ang ang mga mahahalagang ” health related legislation” sa Senado bilang Health Committee Chair.
“Maraming salamat sa tiwala ni Pangulong Duterte at ng taumbayan … marami naman ang gustong maging Pangulo. Maraming atat na atat na maging Pangulo. Huwag n’yo na lang akong isali doon,” ayon kay Go.
”Ang posisyon na ‘yan, destiny ‘yan. Kung talagang iluluklok ka diyan, kahit saan ka magtago, ‘pag gusto ng Panginoon at ng Pilipino, talagang mangyayari ‘yan. Iyan ang nangyari sa ating Pangulo, siya ang hinahanap ng mga Pilipino nun … marami pa ang dapat gawin. Marami pa pong unfinished business,” pagpapatuloy nito.
Samantala, nilinaw naman ni Go matapos ang paglulunsad ng pang- 129 Malasakit Center sa Tondo Medical Center sa Lungsod ng Maynila, nitong Hulyo 16, na mas gusto nais niyang ikunsidera siya bilang “panghuli” na viable candidate para sa mas mataas na posisyon lalo pa’t ang kanyang atensyon ay tuparin at gampanan ang kanyang mandato na pagsilbihan ang mga Filipino na nangangailangan sa halip na pag-usapan ang politika ngayon.
“Paulit-ulit na ako dito. Para na akong sirang plaka kasi sinabi ko naman na consider me last … ibig sabihin kung wala na kayong pagpipilian. Marami naman pong interesado, eh ‘di unahin n’yo na lang muna sila. Ako naman po’y hindi interesado, kaya ‘wag na lang muna ako,” anito.
“Ang importante po sa akin ay ang makapagserbisyo. Unahin po natin ang kapakanan at buhay ng bawat Pilipino. Kaya nga sabi ko, pagtuunan muna natin ng pansin ang pandemya… bakuna muna bago pulitika,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Perfect timing ang MMFF movie at wish na mag-win: JAKE, ayaw nang mag-elaborate sa mabigat na pinagdaanang pandemya
AYAW nang mag-elaborate pa ni Jake Cuenca kung bakit parang naging mabigat sa kanya ang pinagdaanang pandemya. Napansin kasi namin kay Jake na oo nga’t halos lahat naman ay naaapektuhan ng pandemya, pero parang nagkaroon talaga ng matinding impact ito sa kanya. Sabi ni Jake, “so many losses. Ang dami… family members, friends, even network […]
-
Titigilan na kaya sa panglalait ng bashers?… DAVID, pinuri ni ALDEN ang level-up acting sa ‘Pulang Araw’
TITIGIL na siguro ang ilang bashers na nilalait si David Licauco dahil kesyo hindi raw marunong umarte ang binatang Kapuso. Kasi naman no less that Alden Richards na napakahusay na artista at multi-awarded actor ang pumuri sa uri ng pag-arte ni David sa ‘Pulang Araw’ kung saan sila magkatrabaho. […]
-
Sa tell-all and just for fun interview: Korina, napaamin ang social media star at kaibigan na si Small Laude
ANG pinaka-latest talk of the town, ang talk show na ‘Korina Interviews’ na kung saan host ang multi-awarded broadcaster na Korina Sanchez-Roxas, ay muli na namang kagigiliwan ng mga manonood. Dahil ngayong Linggo, November 13, makaka-chikahan niya ang social media star at kaibigan niyang si Small Laude. Inamin ni Small na […]