Bumaba ang dami ng sasakyan sa Skyway 3 matapos simulan ang toll fee collection
- Published on July 21, 2021
- by @peoplesbalita
Ang mga motoristang dumadaan sa Skyway 3 ay bumaba ang bilang matapos simulan ang pangongolekta ng toll fee noong nakaraang Lunes.
“The number of motorists that passed through the elevated tollway reached a little over 60,000 on Monday, down from the average of 100,000 motorists during seven months of toll-free use,” wika ni CEO Manuel Bonoan.
Subalit positibo pa rin ang Skyway Operations and Maintenance Corp. na muling babalik ang dating dami ng mga motoristang gumamit tulad noong walang pang toll fee.
Ayon sa kanila babalik din ito lalo na kung ang ibang lansangan sa Metro Manila ay magiging congested na dahil sa inaasahang trapiko tulad ng bago pa ang pandemya.
“It takes time, but it will return. I am sure that our traffic will go back to the level of 100,000 until such time that the other routes become congested. They will go back because travel is much faster when you use the Skyway 3,” dagdag ni Bonoan.
Dahil sa Skyway 3, ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Makati at Northern Luzon Expressway ay tumatagal lamang ng 20 minuto habang ang oras ng paglalakbay mula sa Alabang papuntang NLEX ay 30 minuto na lamang.
Noong nakaraang Lunes ay nagkaron ng matinding trapiko na naranasan ng mga motorista malapit sa mga toll booths ng expressway at sa EDSA dahil ang ibang motorista ay hindi na dumaan sa Skyway 3 sapagkat simula na ng pangongolekta ng toll fee.
Ang pagsisikip ng trapiko ay dahil din sa ang ibang motorista ay gumamit ng maling brand ng RFID na dapat sana ay Autosweep habang ang iba naman ay dumaan ng walang sapat na load.
Samantala, nilabas ng Toll Regulatory Board (TRB), ang ahensiya sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr), ang provisional toll rates para sa 18-kilometer na Skyway Stage 3 project sa ilalim ng San Miguel Corp. (SMC).
Noong nakaraang March, ang TRB ay pinayagan ang provisional toll rates para sa Class 1 vehicles ng P30 mula Sta. Mesa papuntang Ramon Magsaysay, P105 mula Buendia hanggang Sta. Mesa, P129 sa Ramon Magsasay papuntang Balintawak, at P264 naman mula sa Buendia hanggang North Luzon Expressway (NLEX).
Ayon kay SMC president at chief operating officer Ramon Ang ang bagong toll matrix na ginawa at pinayagan ng TRB na ipatupad ay isinaalang-alang ang pandemya at iba pang epekto sa ekonomiya at mamayan ng bansa.
Ang Skyway 3 ay binigyan ng buong pondo mula sa SMC kung saan ito ay nagkakahaga ng humigit na P80 billion.
Ang Skyway 1 at 2 ay isang Skyway system na may 38-kilometer elevated expressway at may 36 on-and-off ramp access points na magpapabuti sa accessibility, transportation at traffic conditions sa buong Metro Manila. (LASACMAR)
-
LGUs maghanda sa super typhoon – Marcos Jr.
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lokal na pamahalaan na paghandaan ang mga posibleng pag-ulan at pagbaha na maaaring idulot ng super typhoon Mawar. Muling tiniyak ng Pangulo sa publiko na naka-standby ang disaster council sa pagpasok ng super typhoon. Ayon kay Marcos, inilagay na ng gobyerno ang mga […]
-
Ads December 15, 2022
-
US top diplomat muling bibisita sa Ukraine sa kabila ng banta na World War III ng Russia
BABALIK pa sa Ukraine nitong Linggo si US Secretary of State Antony Blinken matapos ang pakigpulong nito kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa Kyiv. Ito ay sa kabila ng babala ng Russia na maaaring magresulta sa World War III ang labanan sa Ukraine matapos ang ginawang pagbisita nito kasama si Defense Secretary Lloyd […]