ANGEL, inamin na tropa lang at hindi talaga nagka-crush kay NEIL; excited na sa pagbuo ng sariling pamilya
- Published on July 21, 2021
- by @peoplesbalita
DESISYON talaga ni Angel Locsin na mag-lie low muna sa kanyang showbiz career para naman mapaghandaan ang nalalapit na kasal nila ng film producer na si Neil Arce.
Katatapos lang ng public service program niya na Iba Yan! sa Kapamilya Channel na umabot naman ng isang taon, kaya mas marami na siyang oras ngayon lalo na sa kanyang sarili.
Wala ngang kaduda-duda si Angel na natagpuan na niya ang ‘the one’ after ng failed relationships niya, dahil sobrang supportive sa kanya ang fiancee.
Sa guesting niya sa podcast ni Matteo Guidicelli na ‘MattRuns’ sinagot ito ni Angel.
“Si Neil din naman kasi he’s very supportive talaga. Iba kasi ‘yung partner, iba ‘yung lover.
“‘Yung partner kasi alam mong hindi ka iiwan sa ere kahit anong mangyari. Napakasarap lang ng pakiramdam ng ganu’n.”
Dagdag tsika pa niya, “nagpapalakad pa siya sa ibang girls. Tapos takbuhan ko siya everytime na broken hearted ako na maraming beses.
“So, lagi ko siyang kausap, kasi siya yun may sense na hindi ako bobolahin, dahil sasabihin talaga niya sa akin na deretso talaga.
“Nagkaroon siguro ako ng admiration as a friend, pero hindi ‘yun crush talaga, wala talagang ganun.
“Kasi parang kapatid ko eh, ganun ang dating sa akin. As in, tropa talaga.”
Nilinaw niya na lie low lang siya pero walang balak na tumigil dahil hahanap-hanapin niya lalo na ang umarte sa pelikula o teleserye.
Pero kailangan niyang gawin, “Gusto ko lang talagang ramdamin at i-absorb kung paano mag-prepare para sa isang married life.”
Excited nga si Angel na magkaroon ng sariling pamilya at anak, isa o dalawa ay okey na sa kanya.
“Dati twins ang gusto ko pero nakita ko ‘yung mga kaibigan ko na may mga anak, parang hindi ko kaya na sabay.
“Kailangan nakatutok ka talaga. Kung mabigyan ako ng blessing ni Lord, go. Feeling ko stage mother ako,” pahayag pa ni Angel kay Matteo.
Nang tanungin kung payag ba siyang sundan ang pagiging artista niya, hindi naman daw niya hahadlangan ang magiging anak basta magtapos muna ng pag-aaral.
Katwiran pa ng aktres, “Kasi hindi ako graduate eh. Alam ko kung gaano kaimportante ‘yung pag-aaral. Alam kong may mga achievements ako pero iba pa rin talaga ‘yung may diploma ka.
“Pwede mo iyon dalahin kahit nasaan ka. Hindi ‘yun mananakaw sa iyo.”
May naibahagi rin si Angel sa mga pinagdaanan niya sa buhay, lalo na ‘yun pagiging breadwinner niya sa pamilya.
“Nakalimutan ko yun sarili ko,” sambit pa ng real life Darna.
“Siguro ako muna ngayon, ayusin ko muna ang sarili ko. Ayusin ko ang kasal ko, aayusin ko talaga ang lahat.”
Pag-amin pa niya, “Ang dami kong pagkakamali Matteo, pero okey lang yun. Ang boring naman ng buhay mo kung wala kang natutunan sa life.”
Say pa ni Matt, “you are such an independent powerful woman. You stand up for a woman is.
“Were you always like this?
“Ako, pinalaki lang ako ng tatay ko na maging totoo ako sa sarili ko. ‘Wag na wag kang papayag na merong injustice na nangyayari sa paligid mo,” paliwanag pa ni Angel sa marami talagang pinaglalaban sa buhay.
(ROHN ROMULO)
-
Siklista ng GFG, papadyak sa 10th Ronda Pilipinas 2020
MASISILAYAN ang tikas ng Go for Gold Cycling Team sa pagpedal sa LBC Ronda Pilipinas 10th Anniversary Race na magsisimula sa Pebero 23 sa Sorsogon at matatapos sa Marso 4 sa Vigan, Ilocos Sur. Irarrampa ng GFG ang mga batang siklista upang harapin ang hamon ng mga beterano buhat sa mga tigasing kaponan katulad […]
-
Sen. IMEE, isi-share ang style secrets at mga proseso sa paggawa ng batas
ISA na namang weekend na hitik sa tawanan at mahalahagang bagong impormasyon kasama si Senator Imee Marcos ang matutunghayan sa premiere ng dalawang bagong vlogs na mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel. Sa araw na ito, Oktubre 21, ibabahagi ni Sen. Imee ang kanyang style secrets sa pagpapanatili ng kagandahan ng kanyang […]
-
Big night ni Derrick White, nagdala sa Celtics sa 3-1 edge vs Heat
NAGBUSLO si Derrick White ng 38 puntos sa 15-for-26 shooting, kabilang ang 8-for-15 victory mula sa 3-point range, at ang Boston Celtics ay namayagpag sa 102-88 panalo laban sa host Miami Heat. Nagdagdag si Jayson Tatum ng 20 points at 11 rebounds para sa Celtics, na nasungkit ang 3-1 lead sa best-of-seven Eastern Conference quarterfinal […]