• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas pinaghahanda sa ‘worst-case scenario’ vs Delta variant

Kailangan maghanda ang Pilipinas para sa isang “worst-case scenario” laban sa posibleng pagkalat ng mas nakakahawang Delta coronavirus variant.

 

 

Ayon kay Dr. Gene Nisperos, board member ng non-governmental organization Community Medicine Development Foundation, hindi pa rin kasi sapat ang testing na ginagawa sa ngayon at mabagal din ang rollout ng pagbabakuna para maiwasan sana ang transmission ng Delta variant sa bansa.

 

 

Hindi na aniya dapat mangyari pa ulit ang sitwasyon noong nakaraang taon nang ipinagkibit-balikat noong simula ang COVID-19 pandemic.

 

 

Sa ngayon, mayroon pang walong active cases ng Delta variant sa Pilipinas, kasunod ng isinagawang retests sa mga pasyente na dating kinunsidera nang recovered.

 

 

Inamin ng Department of Health (DOH) na posibleng mayroong undetected infections ng mas nakakahawang variant ng coronavirus sa ngayon.

 

 

Sa walong active Delta variant cases, apat ang sa Cagayan de Oro, isa ang sa Manila, isa rin sa Misamis Oriental, habang dalawa naman ang mga Pilipino na dumating sa bansa galing abroad.

 

 

Para mapigilan ang pagkakaroon ng isa pang surge, sinabi ng mga health officials na kailangan maghanda ng mga komunidad sa presensya ng Delta variant.

 

 

Magugunita na huling nakaranas ng surge ang Pilipinas noong Marso, kung saan umaabot ng hanggang 10,000 kaso kada araw ang naitala. (Daris Jose)

Other News
  • PAOLO, nag-sorry sa lahat ng nadamay, lalo na kina LJ, AKI at SUMMER; YEN, inabswelto bilang ‘third party’

    ANG haba ng naging paliwanag ni Paolo Contis sa side of his story sa naging hiwalayan nila ni LJ Reyes.     Sa Instagram account nga niya at kinailangan pang 2 parts ang naging statement niya.     Inabswelto niya lalo na si Yen Santos na nababalitang third party. Humingi naman siya ng sorry sa […]

  • 2 drug suspects huli sa Caloocan drug bust

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug personalities matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na si alyas “Ert”, 53 at alyas “Mekini”, 20, kapwa residente ng Brgy. 19.     Batay sa ulat […]

  • 1,450 TRAINEES NG COAST GUARD, NANUMPA

    SABAYANG  nanumpa sa Coast Guard Fleet Parade  Ground ngayong araw ang 1,450 trainees ng Philippine Coast Guard (PCG).     ” Thank you for choosing to be one with our noble cause.You have my respect” , mensahe ni PCG  Commandant, CG Admiral Artemio M Abu .     Sa bilang na ito, 1,283 ang kalalakihan […]