• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS PDLs NATURUKAN NA KONTRA COVID

NASA 747 Persons deprived of liberty (PDLs) sa Navotas City Jail ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng Sputnik vaccine kontra COVID-19.

 

 

“PDLs are at high risk of contracting COVID-19 due to limited spaces in our city jail.  Through vaccination, we hope to ensure the health and wellness of our inmates and eliminate the risk of the facility turning into a COVID hotspot,” ani  Mayor Toby Tiangco.

 

 

Naglaan din ang lungsod ng 101 doses ng Sputnik para sa mga Navoteña PDLs sa Malabon City Jail-Female Dormitory.

 

 

Nauna rito, nasa 500 fish workers sa Navotas Fish Port Complex ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng AstraZeneca vaccine sa pamamagitan ng night vaccination ng lungsod.

 

 

“Our goal is to vaccinate 150,000 Navotas residents and workers, and in order to accommodate them, we are willing to adjust our methods and schedules,” sabi ni Tiangco.

 

 

Hanggang July 16, nasa 98,317 residente at nagtatrabaho sa lungsod ang nakatanggap ng kanilang unang shot ng COVID-19 vaccine. 45,827 dito ang nakakumpleto na nang dalawang doses. (Richard Mesa)

Other News
  • TONI, ni-reveal na si PEPE ang leading man sa ‘My Sassy Girl’; 2006 pa gustong gawin ang remake

    KATULAD ng pinangako ng TinCan Films, magkakaroon ng separate announcement sa magiging leading man ni Toni Gonzaga, matapos na I-reveal na ang tv host/actress ang gaganap sa title role ng Philippine remake ng South Korean hit romcom movie na My Sassy Girl.     Sa naturang production outfit nina Toni, in-announce na sa official Facebook […]

  • AIKO, kinilig at lumabas talaga ang pagiging ‘faney’ habang ini-interview si MARIAN; wish na makasama sa teleserye kahit kontrabida

    SOBRA ngang na-excite ang award-winning actress na si Aiko Melendez at ‘di naitago ang pagkakilig dahil finally ay natuloy na ma-interview ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera para sa kanyang YouTube vlog na ‘AikonTalks’.     Hindi nga napigilan ni Aiko na mag-blush at lumabas talaga ang pagiging ‘faney’ habang ini-interview si […]

  • Iniimbestigahan sa presinto patay

    PATAY ang isang di pa nakikilalang lalaki nang tangkain nitong barilin ang pulis na mag-iimbestiga sana sa kanya sa loob ng nag Manila Police District-Police Station 2, kamakalawa ng gabi sa Tondo,Maynila.   Inilarawan ng MPD-PS2 ang suspek na nasa edad 30-35, kayumanggi,katamtaman ang pangangatawan at may mga tattoo sa katawan, paa at braso.   […]