• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vulcanizing, talyer, carwash, dapat bang payagan sa mga pangunahing lansangan?

MARAMING reklamo ang natatanggap ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa mga talyer, carwash, vulcanizing shops at iba pang katulad na negosyo na ginagawang “motorshop” ang mga bangketa at lansangan.

 

Ito yung mga carwash services na walang sariling lugar ay sa kalsada nagpapaligo ng sasakyan. Mga talyer o motorshops na ang trabaho para sa kanilang mga customers ay sa lansangan ginagawa. Talamak ito ngayon kahit sa mga pangunahing lansangan. Resulta – traffic, illegal paking at pagkasira ng mga kalsada at bangketa.

 

Minsan ay nakakita tayo ng ganito sa kahabaan ng Banawe Ave. sa Quezon City at natabunan na ng langis at grasa ang sidewalk dahil sa kalsada nga nagtatrabaho ang nga nasa motorworks na ‘to. Kung tutuusin ito nga ang sinasabi ni Presidente Digong na to liberate our roads from private use and to bring them back to the people.

 

Ang katuwiran naman ng mga ito ay bakit daw sila babawalan sa lansangan e yung serbisyo nila ay kailangan sa lansangan. Pero bakit hindi nila gawin ang trabaho sa kanilang bakuran at hindi sa lansangan lalo sa public sidewalk.

 

Malimit pa walang business permit ang mga ito. Kung meron man ay hindi para sa motorworks gaya ng pagbebenta ng spare parts ng sasakyan pero hindi pagawaan ng sasakyan. Pati mga junk o abandoned vehicles ay nakabalandra sa kalye – ito yung mga matagal nang nakatiwangwang sa harap ng mga motorshops dahil hindi pa maipagawa.

 

Unfair ito sa mga ligal at reputable na mga motorshops, mga carwash establishments na nasa maayos na pwesto at may sariling pagawaan at hindi sagabal sa mga public walkways.

 

Sumusunod itong mga ligal na negosyo sa batas at hindi inaabuso ang permit na ipinagkaloob sa kanila. Maraming tatamaan kung sakaling ipagbawal at paalisin na talaga ang mga iligal at mga sagabal. Maraming aangal.

 

Pero mas marami ang matutuwa dahil maibabalik natin ang mga lansangan sa tao at hindi na magagamit ang mga ito sa negosyo ng iilan lang.

 

Malimit ang nabibiyayaan ay tahimik lang na nasisiyahan at ang mga abusado pag itinatama ay sila pa ang mga maiingay at mareklamo. Subaybayan natin ito at matyagan. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • 2 drug suspects kulong sa P180K droga sa Valenzuela

    UMABOT sa halos P.2 milyong halaga ng droga ang nasabat sa dalawang drug suspects matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang mga naarestong suspek na sina alyas Nelson, 54 ng Coloong 2, at alyas […]

  • CBCP, pinasalamatan ang mga guro

    Pinasalamatan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga guro na malaki ang ginampanan sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan. Sa pahayag ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles sa Radio Veritas, kinilala nito ang bawat sakripisyo ng mga guro upang hubugin ang kabataan para sa mas maayos at maunlad na pamayanan.   […]

  • US top diplomat muling bibisita sa Ukraine sa kabila ng banta na World War III ng Russia

    BABALIK pa sa Ukraine nitong Linggo si US Secretary of State Antony Blinken matapos ang pakigpulong nito kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa Kyiv.     Ito ay sa kabila ng babala ng Russia na maaaring magresulta sa World War III ang labanan sa Ukraine matapos ang ginawang pagbisita nito kasama si Defense Secretary Lloyd […]