Sotto ‘di lalaro sa Gilas sa Jordan at Indonesia
- Published on July 23, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi na makakapaglaro si Kai Zachary Sotto para sa Gilas Pilipinas na sasali sa dalawang torneo sa buwang ito at sa papasok sa magkaibang bansa.
Ito ay sa King Abdullah Cup 2021 sa Amman, Jordan sa Huly 26-Agosto 3, at sa 30th International Basketball Federation Asia Cup 2021 Final sa Jakarta, Indonesia sa Agosto 17-29.
Ipinabatid ng handler ng 19-year-old, 7-foot-3 Pinoy cage phenom ang bagay sa Samahang basketbol ng Pilipinas Miyerkoles.
Idinahilan ang commitment na ni Sotto para sa Adelaide 36rs sa nalalapit na pagbubukas ng 44th National Basketball League-Australia 2021-22 sa Down Under.
Ang parehas na rason din ang nagpaliban sa basketbolista sa Gilas national training pool bubble camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup final.
Pa-Jordan ang national men’s basketball sa linggong ito na bubuuin nina Ange Kouame, Dwight Ramos, SJ Belangel, Isaac Go, RJ Abarrientos, Justine Baltazar, William Navarro, Mike Nieto, Carl Tamayo, Jordan Heading at Geo Chiu. (REC)
-
Hinaing ng sportsman, businessman ng Rizal (Unang bahagi)
MATAGAL-TAGAL na ring kilala ng TP si Adi delos Reyes. Isang mahusay na race organizer sa ilalim ng kumpanya niyang Eventologist Compnay na nakabase sa Metro Manila. Maginoo, mahinahon, mabait, marunong makisama. Kaya hindi ko mapahindian ang paghingi niya ng tulong sa isa naming pag-uusap sa FaceBook messenger kamakailan. […]
-
Walang taas pasahe at pagkawala ng kabuyan dahil sa consolidation
ITO ang nilinaw ng pamahalaan na kahit na kalahati lamang ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa Metro Manila ang nag consolidate ay hindi mangyayari ang pagtataas ng pamasahe at hindi mawawalan ng kabuhayan ang mga drivers at operators matapos ang binigay na deadline noong Dec. 31, 2023. Sa National Capital Region […]
-
Salary increase ng government workers, suportado ni Bong Go
IKINATUWA ni Senator Christopher “Bong” Go ang Executive Order No. 64 na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nag-uutos ng umento sa sahod at karagdagang allowance para sa mga manggagawa sa gobyerno. “Ipinaglaban po natin ito kaya masaya tayo at narinig ang ating suhestiyon. Ito ay isang malaking hakbang patungo sa […]