• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 sangkot sa droga tiklo sa P340-K shabu

DALAWANG hinihinalang drug personalities ang nasakote matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Michael Sison alyas Puroy, 42 at Roy Evangelista, 23, ng 168 Doon Compound Parada.

 

Nauna rito, nakatanggap ng tip mula sa kanilang pinagkakatiwalaang impormante ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa talamak umanong pagbebenta ng ilegal na droga ni Sison kung saan mistulang pila balde umano ang bumibili ng shabu sa suspek.

 

Kaagad nagsagawa ng buy- bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Renato Ramento sa bahay ni Sison sa 19 Cattleya St. Bahayang Pag-asa, Brgy. Maysan kung saan nagawang makapagtransaksyon ni PCpl Dario Dehitta na nagpanggap na poseur-buyer sa mga suspek ng P7,000 halaga ng shabu.

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula kay PCpl Dehitta kapalit ng shabu ay agad lumapit ang back up na si PSSg Samson Mansibang at PCpl Ed Shalom Abiertas saka inaresto si Sison at Evangelista.

 

Ayon kay SDEU PSSg Ana Liza Antonio, aabot sa 50 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P340,000 ang halaga, buy-bust money na binubuo ng 1 tunay P1,000 bill at 6 piraso boodle money, P1,300 cash at cellphone ang narekober ni PCpl Abiertas kay Sison habang nakuha cellphone naman ang nakuha ni PSSg Mansibang kay Evangelista. (Richard Mesa)

Other News
  • Bayad ng take-off, landing, parking fees suspendido muna vs COVID-19 – DOTr

    INUTUSAN ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Manila International Airport Authority (MIAA) na ipagpaliban muna ang pagbabayad ng take-off, landing, at parkingfees ng mga local airlines dahil sa nararanasang COVID-19.   “We are in a situation that is not of our own liking nor […]

  • 1 compound sa Navotas, 2 linggong ni-lockdown

    ISANG compound sa Lungsod ng Navotas ang isinailim sa dalawang linggong lockdown matapos magkaroon ng apat na residenteng nagpositibo sa COVID-19.     Ayon kay Mayor Toby Tiangco, nagsimulang ipatupad ang lockdown sa compound sa Manalaysay St., Brgy. San Roque alas-8:01pm January 25, 2021 hanggang 11:59pm ng February 8, 2021.     Layon nito mapigilan […]

  • Matindi ang mga fight scenes nila ni Paul, kaya nagkasakitan: RURU, pinangarap na maging action star kaya handa sa pwedeng mangyari

    WALA raw contest na namamagitan kina Ruru Madrid at Paul Salas sa pagandahan ng katawan sa social media.     Ayon sa dalawang stars ng Lolong, paraan lang daw nila para mag-relax ang mag-post ng videos nila sa Instagram at Tiktok. Iba raw kasi ang feeling kapag nasa lock-in taping kaya gusto rin daw nilang […]