Pinas may ‘local transmission’ na ng Delta variant
- Published on July 24, 2021
- by @peoplesbalita
Sinang-ayunan na ng Department of Health (DOH) ang opinyon ng ekspertong si Dr. Rontgene Solante na posibleng mayroon nang ‘local transmission’ ng mas mapanganib na Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagama’t kalat-kalat ang mga natuklasang Delta variant cases, nagpatupad na agad sila ng reaksyon para sa ‘local transmission’.
Sa kabila ng mga pa-ngamba na hindi makakayanan ng ‘health system’ ng Pilipinas ang panibagong surge kagaya ng nangyayari sa Indonesia, tiniyak ng DOH na ginagawa nila ang lahat ng paraan para maiwasan ito at inihahanda ang lahat ng pagamutan sa posibilidad na pagkalat ng variant.
Kailangan umanong magtulungan ang nasyunal at lokal na pamahalaan para mapalakas ang healthcare system. Ito ay sa pamamagitan ng pagtiyak na sapat ang COVID-19 beds, ICU at TTMF bed capacity, gamot at oxygen tanks at mga healthcare workers.
Kailangan rin ng pagtulong ngpubliko sa simpleng paraan ng pag-praktis sa ‘minimum public health standard’ at boluntaryong pagpapabakuna. (Daris Jose)
-
Matteo, panalangin sa Diyos na makasundo pa rin ang pamilya ni Sarah
Tila aminado si Matteo Guidicelli na hindi pa maayos ang relasyon niya sa mga magulang ng asawang si Sarah Geronimo. Ito’y matapos ihayag ng 30-year-old Fil-Italian actor na ang pagiging kompleto sana ng pamilya ni Sarah sa kanilang naging pag-iisang dibdib ang katuparan sa mga pangarap nito. Pero ayon kay Matteo, naniniwala siya […]
-
Pinsala sa infra kay ‘Paeng’, P4.3 bilyon na
UMAABOT na sa P4.3 bilyon ang pinsalang iniwan ng Severe Tropical Storm Paeng sa mga imprastruktura sa bansa. Batay sa pinakahuling report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 722 imprastruktura ang napinsala sa buong bansa pinakamalaki sa Calabarzon na may 111 at nagkakahalaga ng P1,243,670,800. Sinundan ito ng […]
-
1,450 TRAINEES NG COAST GUARD, NANUMPA
SABAYANG nanumpa sa Coast Guard Fleet Parade Ground ngayong araw ang 1,450 trainees ng Philippine Coast Guard (PCG). ” Thank you for choosing to be one with our noble cause.You have my respect” , mensahe ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu . Sa bilang na ito, 1,283 ang kalalakihan […]