3 patay, 5 sugatan; pag-ulan asahan pa rin – NDRRMC
- Published on July 26, 2021
- by @peoplesbalita
Iniulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na tatlo ang naitalang nasawi habang lima ang sugatan dahil sa matinding pag-ulan at malakas na hanging dulot ng habagat.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, isa ang namatay matapos tamaan ng bumagsak na punong-kahoy habang dalawa ang natamaan ng kidlat.
Dagdag pa ni Timbal, sumampa na sa 44,563 individuals ang inilikas at kasalukuyang tumutuloy sa 81 evacuation centers nationwide dahil pa rin sa southwest monsoon.
Dahil dito, pinag-iingat ng NDRRMC ang publiko dahil kahit wala na ang Bagyong Fabian sa Norte ay magdudulot pa rin ng pag-ulan ang habagat.
Nabatid na ilan sa mga siyudad sa Metro Manila ay binaha dahil sa patuloy na pag-ulan.
Samantala sa panig ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), dahil sa patuloy na habagat, ang Metro Manila, Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Calamian Islands, ay makakaranas pa rin ng monsoon rains.
Makakaranas naman ng maulap na panahon na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms, ang Cagayan Valley, Antique, at nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon, at Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan.
Habang ang ibang lugar sa bansa ay magkakaroon ng bahagyan hanggang maulap na panahon na may kalat-kalat ng pag-ulan at thunderstorms.
Pina-alalahanan din ng PAGASA na posibleng magkaroon ng flash floods o landslides sa mga nabanggit na lugar dahil sa habagat. (Gene Adsuara)
-
80% ng bansa, maaaring isailalim na sa MGCQ sa July 16
Inilahad ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng mas maraming lugar na ang isasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) sa darating na July 16. Sa panayam, iginiit ni Lorenzana na dedepende sa datos ng coronavirus disease o COVID-19 ang quarantine measures sa bansa na magmumula sa Department of Health (DOH). “Sabi nga […]
-
Hindi pagsama ni Sen. Marcos sa admin slate, OKs lang kay PBBM
“THAT’S fine. That’s her choice.” Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungin ukol sa naging desisyon ng kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos na hindi sasama sa administration senatorial slate. Sa isang panayam sa Pangulo, sinabi nito na maaari namang sumama ang kanyang kapatid sa kampanya ng […]
-
LALAKI, PATAY SA SUNOG SA PORT AREA
PATAY ang isang 40-anyos na lalaki sa isang malaking sunog na naganap sa Port Area na umabot sa limang oras . Sa pinakahuling update ng Bureau of Fire Protection (BFP) Huwebes ng tanghali natagpuan ang bangkay ng biktimang nakilalang si Ricky Sebastian, sa mga kabahayang nilamon ng apoy na hinihinalang na-trap sa loob. […]